HANGGANG SA HULI

21 0 0
                                    

Deib feel be like

Naghahanap ng angkop na salita,
Para aking maipadama't maipakita,
Na gusto na talaga kita.

Aminado na hindi kagandahan ang ating simula,
Ating simula na gumuhit ng isang 'di malilimutang alaala,
Itong nadarama hindi ko batid paano nga ba nagsimula.

Kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin,
Ang pagbabago ng nilalaman ng aking damdamin,
Nagising na lang isang araw hinahanap ka na ng paningin.

Hindi ako mahusay sa pagbibiro,
Sa damdamin ng iba hindi ako nakikipaglaro,
Maniwala ka, gusto kita Taguro.

Batid ko marami sa 'yong pagkakamali,
Ikaw na laman nitong isip ko bawat sandali,
Ang ginawa ko ayaw ko pagsisihan sa huli.

Kung itong damdamin na ito ang kapalit,
Gagawin ko iyon paulit-ulit,
Para masilayan ka kahit saglit.

Alam kong hindi man kapani-paniwala,
Puso't damdamin mo sa akin ipagkatiwala,
Dahil sa buhay ko ngayon ayaw kitang mawala.

Matiyagang maghihintay pa rin sa 'yo,
Kahit na ilang beses man tayo ipaglayo,
Umaasa ko hanggang sa huli ay tayo.


DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon