HIH C31

14 0 3
                                    

Deib feel be like

Sumusunod lang ako sa motor n'ya,
Hanggang sa isang subdivision ay huminto s'ya,
Noong una ay ayaw pa kaming papasukin,
Kapatid n'ya rito ay may bahay din.

Sa tapat ng bahay ni Randall kami ay huminto,
Si Taguro sinabihan si Noona na magpakatatag ito,
Hindi ko alam kung bakit ako rin ay kinabahan?
Kumatok na si Noona at nang bumukas ang pintuan.

Nagulat si Randall ng kami ay makita n'ya,
Halata ang bakas ang pagtataka sa kanya,
Nang biglang may nagsalita, napalingon ako,
Ang boses na 'yon ay kilalang kilala ko.

Nang makita n'ya kami ay nagulat s'ya,
Si noona ay galit na galit sa kanya,
Si Kim bakit nagawa n'ya sa amin ito,
Ayoko maniwala sa paliwanag nito.

Walang kami pero ako ay niloko,
At masama boyfriend ng kapatid ko,
Gusto ko ngayon na manghina,
Kailangan ko maging matatag para kay noona.

Si Randall daw talaga ang mahal n'ya,
Wala kong ibang minahal kundi s'ya,
Dalawang taon ko s'ya niligawan,
Tapos iba pala ang kanyang nagugustuhan.

Sa aking sarili gusto kong maawa,
Ako lang daw umasa sa aming dalawa,
Kaming dalawa ni noona ay nasasaktan,
Silang dalawa ni Randall ay nagkasagutan.

Natigilan si Randall nang makita s'ya,
Akala ko kami ay iniwan na n'ya,
Tumawid s'ya kay noona s'ya ay nakatingin,
Nagawa n'ya pa itong kamustahin.

Matapos n'ya kausapin si noona,
Si Randall ay pinapauwi na n'ya na,
Hinatid ko lang si noona sa bahay namin,
Sobrang sakit ang nangyari sa amin.

Sa the Barb ako ay nagpunta,
Nagulat ako sa aking nakita,
Bar din pala ito,
Kaya pumasok ako rito.

Tinawagan ko agad aking mga kaibigan,
Para ako ay kanilang samahan,
Sa kanila ay nagkuwento ko,
Ramdam nila na nasasaktan ako.

Si Lee, sa akin ay nahihiya,
Dahil sa nangyari sa amin ng pinsan n'ya.
Nagpaalam ako na magbabanyo lang ako,
May nabangga ako, at binugbog nila ko.


DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon