HIH C3

67 0 0
                                    

Maxpein feel be like

Hindi ako nagpapalista,
Sinamahan ko lang si Naih,
Kasalanan 'to ng lalaking 'yon,
Sino s'ya para magdesisyon?

Naiinis na ko sa kanya,
At talagang sumosobra na s'ya,
Kung gusto n'ya, s'ya ang maglaro,
Dahil hinding hindi ako maglalaro.

Abala ko sa aking grupong sinalihan,
Tapos isinali ako sa billiards nang 'di ko nalalaman,
Pawis na pawis ako at kapag talagang ika'y minamalas,
Nakita ko na naman ang lalaking 'to hindi na ko makaatras.

Sa ginagawa n'ya sa akin, ako'y nasasaktan,
Masakit at pagod na nga ang aking katawan,
Pinagtatawanan na naman ako nang dahil kagagawan n'ya,
Pati personal kong damit talaga namang nakakahiya.

Dumating ang lecturer namin na si Ciufan,
At talaga naman sila pa ang kinampihan,
Wala na kong nagawa kundi umalis na lang don,
Nakakarami na s'ya ano ba problema ng lalaking 'yon.

Nagulat ako sa kanya hindi ko inaasahan,
Humihingi s'ya ng tawad para sa kanyang kaibigan,
Sabi ko 'wag dahil mayroon din akong pagkakamali,
Tinapos namin ang pagkakape at bumalik na uli.

Hindi na ko nakapasok sa unang klase,
Inusisa nila ko, kako kami ni Lee ay nagkape,
Nagulat sila ano raw ang kailangan,
Sagot ko si Sensui ang aming pinag-usapan.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon