Maxpein feel be like
Noon pa nagtataka na ako,
Kung sino ang tunay na ina ko,
Nasasabik ako sa kanyang pagkalinga,
Sa kanya ba ako'y mayroong halaga.Tingin ng iba sa 'kin ay may sariling mundo,
Asawa ng ama ko ay hindi ko kasundo,
Inaalam ko ang tunay kong pinanggalingan,
Kalinga at pagmamahal ang aking kailangan.Sa aking pamilya minsan akong sumuway,
Si Maze at ako ay palaging nag-aaway,
Lumaki ako na minsan may pagkapilospo,
At bibihira lang gumamit ng po at opo.Nalaman ko ang iyong tinitirhan,
Lihim kitang pinupuntahan,
Sa iyo ay hindi ako nagagalit,
Paglayo mo, kaligtasan ko ang kapalit.Napasali muli ako sa isang gulo,
Ako'y iyong sinaklolo,
Sa ospital ako'y iyong binantayan,
Saya sa puso ko ay hindi mapapantayan.Isang katotohanan lang ang hindi magbabago,
Sa aking katawan dumadaloy ay iyong dugo,
Nasa mundong ito, ikaw ang nagsilang sa akin,
Para sa kaligtasan ko, lahat ay handa mong hamakin.Ikaw ang nag-iisa kong eomma,
Na pinapanalangin ko na makasama,
Ang eomma ko na matapang at palaban,
Para sa akin kahit kanino ay handa kang makipaglaban.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoezjaDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...