HIH C5

59 0 0
                                    

Deib feel be like

Nahalata ni Tob na ako'y masaya,
Natatawa pa ko nang sabihin ko sa kanya,
Hindi ko inaasahan ang naging reaksiyon n'ya.

Hanggang sa akin may sumapak,
Mabuti ay hindi ako bumagsak,
Itong si Taguro nakadalawa na ng sapak.

Sinabi ko sa kanya na masakit,
Halata sa kanya ang sobrang galit,
Hindi ako makawala kahit na saglit.

Tanong ko sa kanya kung kilala ba n'ya ko,
Sagot naman n'ya sa akin ay hindi s'ya interesado,
At talagang interesante ba raw ba ako?

Dumating si Lee para awatin s'ya,
Pero wala sinigawan lang n'ya,
Matapos maging mabait nito sa kanya.

Nagsalita si Tob na ito'y hayaan,
Kaya kami ni Lee s'ya'y tiningnan,
Bakas sa mukha n'ya ang kaseryosohan.

Dumating si Kim at biglang sinampal s'ya,
Matapos daw na kumampi ito sa kanya,
At ito pa raw ang igaganti n'ya.

Hindi raw s'ya interesado na kami'y makilala,
Kalmado s'ya habang si Kim halos magwala,
Sa tono nang pagsasalita n'ya ay kinilabutan ako bigla.

Kinabukasan si Tob ay hindi ako kinakausap,
Napapansin ko na sa akin s'ya'y mailap,
Hindi ako pansin kahit kami ay magkaharap.

Tinawag ako ng aming lecturer para sumagot,
Dumating ang aking lolo, ako'y malalagot,
May nagmura kaya si Miss napasimangot.

Si Taguro ay nandoon at napagbintangan,
Kapag minamalas ka nga naman,
At talagang nagawa n'yang makipagsagutan.

Hindi naman n'ya boses iyon,
Hindi naman s'ya talaga 'yon,
Nakikipagtalo s'ya ngayon.

Ang tanong sa akin ay tinanong din sa kanya,
Ano naman kaya ang alam n'ya,
Hanggang sa nagulat ako may nasasagot s'ya.

Hindi ako makapaniwala sa kanya,
Bakit ang mga sagot sa tanong ay alam n'ya,
Kahit lumabas na ay iniisip ko pa rin s'ya.



DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon