HIH C25

14 0 0
                                    

Deib feel be like

Hindi ako makapaniwala na ito'y magagawa n'ya,
Sa pagbibintang ko kay Taguro ako ay nahihiya,
Nilalamon na naman ako ng aking konsensya,
Kung tutuusin sa lahat ay biktima lamang s'ya.

Hindi ko alam kung paano s'ya kakausapin,
Hindi ko alam kung ano ang salitang sasabihin,
Naglakas loob na ko humingi ng tawad na rin,
Sa paninigarilyo n'ya, nagawa ko pa s'yang sitahin.

Sa mga sinabi n'ya sa akin natigilan ako,
Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko,
Alam ko naman ang kanyang mga pinupunto,
Pagka sabi ko ng sorry, ako ay kanya ng pinapalayo.

Matapos si Kim ay aking pinuntahan,
Ang aming pag-uusap ay nauwi sa sagutan,
Maging si Keziah ay nagawa s'yang pagsabihan,
Dahil ang naisip n'yang gawin sana ay isang kasalanan.

Panay ang hingi n'ya ng sorry sa akin,
Matapos nang pag-uusap namin,
Nadala lang daw s'ya ng kanyang damdamin,
Kina Noona ako sumabay pauwi sa amin.

Habang nasa biyahe panay ang sermon n'ya sa akin,
Lagot daw ako pag dumating ang lolo namin,
Panay ang pagbubunganga nitong si Dein,
Lagay pa non, wala na raw s'yang alam sabihin.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon