Istorya na aking babalik-balikan,
Istorya na may eksenang kinasasabikan,
May mga eksenang na aking iniyakan,
Istorya na aking labis na kinaadikan."He's into Her" ang kanyang pamagat,
Istorya na nagparamdam ng sakit at sugat,
Sugat ng kahapon na may naiwang pilat,
Pilat upang sa kinabukasan ika'y mamulat.May mga bagay o tao na nararapat na pahalagahan,
Katulad ng pamilya at kaibigan nagbibigay sa 'tin ng kasiyahan,
Nagbibigay payo na lahat tayo ay may angking kakayahan,
Kakayahan nararapat pang linangin, at wag hayaan ang iba na ika'y husgahan.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoesieDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...