DAHIL KAY MAXINEJIJI

25 1 0
                                    

Hindi ko alam kung totoo ba mga ito,
Pero aaminin ko ay napangiti ako nito,
Akala ko nga namamalikmata lang ako,
Pero tama naman nakikita ng mga mata ko.

Naisulat ko ang mga ito nang dahil sa 'yo,
At dahil na rin sa mga istorya mo,
Aminadong mababaw lang kaligayahan ko,
Simpleng mga bagay lang ay masaya na ako.

Patuloy akong magsusulat ng mga tula,
Ikaw at istorya mo, sa akin nagpapasigla,
Patuloy ipaparamdam na inspirasyon kita,
Hangga't aking kaya bubuo ng mga salita.

Maxinejiji na noon ay aking nakilala,
Sa mga istorya n'ya, ako'y dalang-dala,
Kahit na wirdo na ko sa paningin nila,
Basta masaya ko, kaya mga iyon ay balewala.

Bagamat ako naman ay aminado,
Na ako ay may pagkawirdo,
Basta dahil kay Maxinejiji, ako'y inspirado,
Sa lahat ng desisyon n'ya, ako'y suportado.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon