Deib feel be likeAbot abot ang aking pagpipigil,
Pero damdamin ko ay hindi ko mapigil,
Hanggang labi ko dinampi ko sa labi n'ya,
Matapos ay nahiya na ko humarap sa kanya.Hindi ko na kinaya ang ganda nitong isla,
Damdamin ko tuluyan nadala,
Nakakalungkot mauuna na silang umuwi,
Nahihiya ko, paano ba ko sa kanya babawi?Nahihiya ako tumingin sa kanya ng maayos,
Kabog ng puso ko ay unti unti na wala sa ayos,
Sa Airport ay tumigil ang aking mundo,
Nandito ba s'ya at ako'y sinusundo?Hindi ko gusto tensyon dito sa sasakyan,
Bakit kasi kasama pa namin si Randall ano ba yan,
Mabuti pumayag s'ya kumain dito sa amin,
Hanggang si Chairman tinanong sina Dein.Samantalang itong si Taguro abala sa pagkain,
Mukhang nasarapan na s'ya sa mga nakahain,
Hindi pa rin nila masagot ang tanong ni lolo,
Nagulat kami ng sinagot na ni Taguro.Galit na galit ang ate ko sa kanya,
Pakiramdam nito s'ya'y napahiya,
Nakita ko nag-usap sila ni Randall,
Mabuti at hindi ganon katagal.Nasa tapat na kami ng kanilang bahay,
Nang maalala ko na ako'y may ibibigay,
Natigilan ako nang abutan n'ya rin ako,
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoetryDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...