MAXPEIN ZIN

20 0 0
                                    

Walang pag-aalinlangan,
Ika'y kanyang tutulungan,
Kahit pa kinukutya mo parati,
Kabutihan pa rin ang igaganti.

Minsan nagkaroon man ng hihinakit,
Namamayani sa kanya ang pagmamalasakit,
Inaamin ang sariling pagkakamali,
Kaya naman hahangaan mo sa huli.

Babae na inaamin ang kahambugan,
Isa s'yang matatawag na tunay na kaibigan,
Minsan man magsalita pero may punto,
Sa mga payo n'ya, ika'y matututo.

Ang pangalan n'ya ay Maxpein Zin,
Taglay n'yang angas ay iyong mapapansin,
Babaeng tinatawag nilang may sariling mundo,
Pero huwag kayo, s'ya'y isang talentado.

Bago n'ya nakamit ang rango na pinangarap,
Matinding ensayo ang kanyang hinarap,
Lahat ng pagsubok ay kanyang kinaya,
Kaya naman maraming humahanga sa kanya.



DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon