HIH SCENE

27 1 0
                                    

Deib feel be like

Palagi kong hinihiling sa kanya,
Na sana sa piling ko ay ibalik ka n'ya,
Hanggang sa nasa harapan na kita ngayon,
'Di ako masyadong nagsasalita, pinipigil ko ang sariling emosyon.

Taon din simula nang huli tayong nagkita,
Ngayon walang sabi ka na lang nagpakita,
Taon ako nalunod sa pangungulila sa 'yo,
Bumalik ka na parang ayos lang tayo.

Bakas sa aking kilos ang panlalamig,
Halata rin sa salita ko na tampo ang hinihimig,
Ikaw ay narito at ako ay sinusuyo,
Tinatanong kung meron pa bang tayo.

Nakatitig ka sa mga larawan na aking pininta,
Naroon ang tagpo kung saan tayo huling nagkita,
Sa akin marami ka ng hindi nalalaman,
Mga binibitawan kong salita ay malaman.

Dumalo tayo sa isang kaarawan,
At doon na tayo  nagkalinawan,
Iba na ko sa Deib na iyong nakilala,
Bagay na hindi mo na ikinabigla.

'Di ko inakala pupunta ka sa amin,
Kinukuha mo muli aking damdamin,
Panay ang pigil ko sa aking sarili,
Sa isang kilos ayokong magkamali.

Bandang huli hinatid kita sa inyo,
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo,
Hanggang sa narito na tayo pareho sa inyong isla,
Kung saan marami tayong binuong alaala.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon