Noon naghahanap ako ng istoryang maganda,
Nagtanong ako sa kaibigan at ito ang inirekomenda,
Hanggang sa sinimulan ko na ang pagbabasa nito,
Sabi ko matatapos ko pa kaya ang basahin ito.Noon naghahanap lang ako ng istoryang mababasa,
Ngunit nang mabasa ko ang HIH, ako ay kanya ng mambabasa,
Simula noon ay binasa ko na silang lahat,
Ang mga istorya n'yang isinulat at isusulat.Ito ang istorya nasa isipan ko ay hindi mabura,
Naalala ko palagi kahit na may ginagawa pambihira,
Iba na yata ang tama ko sa istoryang ito,
Aminado ako hindi ko kabisado mga linyahan dito.Pero kapag nag-iisa naman ako naalala ko ang bawat eksena,
Sabi ko sa sarili ko ay iba na 'to, ako'y malala na,
Istoryang ito ay aking babalik-balikan,
Oo, ito ang istorya na aking kinaadikan.Kaya kapag nagtatanong sila ng istoryang maganda,
Ito ang aking agad inirerekomenda at ibinibida,
Basta ang masasabi ako ay kanyang Reader,
Lalo na ng kanyang "He's into Her".Mambabasa n'ya ko at s'ya ang aking manunulat,
At s'ya ay walang iba kundi si Maxine Lat,
Na mas kilala sa tawag na Maxinejiji,
Masaya ko at isa ko sa kanyang Jijies.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoesíaDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...