Deib feel be like
Papunta na ko sa canteen,
Nang s'ya ay aking napansin,
Si Randall kausap n'ya pala,
Nakinig ako sa pag-uusap nila.Ano ginagawa rito ni Randall?
Nobya n'ya raw dito nag-aaral,
Tahimik ako na nakikinig sa kanila,
Hindi lang iyon dahil kaya may alitan sila.Nagulat ako sa aking nalaman,
Si Maxwell mayroon palang nagugustuhan,
At iyon ay walang iba kundi ang ate ko,
Hindi lang dahil sinaktan ni Randall si Taguro.Tahimik akong nag-iisip nang ako'y lapitan n'ya,
Paano n'ya ko naihatid ay tinatanong ko s'ya,
Wala raw ba ko naalala sa mga ginawa ko,
Kung naalala ko kaya magtatanong pa ako.Napakagulo talaga n'yang kausap,
Wala akong matinong sagot na natanggap,
Tinatanong ko tinatanong din ako,
Gulo nitong Taguro na 'to.Pauwi na sana ako,
Nang si Kim ay makasalubong ko,
Umiiyak s'ya at nagmamakaawa sa akin,
Nasasaktan na naman ako sa pag-uusap namin.Hindi ko alam na nandito pala s'ya,
Pagkaalis ni Kim, ako'y kinamusta n'ya,
Umuwi ako sa amin na naguguluhan,
May dinner daw kami kasama si Chairman.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoesíaDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...