Kakaiba ang mga dating nila,
Isang pamilya sila,
Tiyak na mapapalingon ka sa kanila.Kakaiba ang kanilang pamilya,
Kakaibang katangian ay kanya-kanya,
Kaya hindi mo sila basta makakaya.May taglay na kanya kanyang postura,
Mga talento at yaman nila ay sobra,
Mga palaban kaya huwag kayo humara.Chairman Moon Istrikto man pero mapangkawang-gawa,
Director Mokz na palaging nagbibiro at nagpapatawa,
Mga lolo na mga apo ang naghahatid ng tuwa.President Maze Moon na sobrang istrikta,
Mahal na mahal ang bunso nilang may pagka isip-bata,
Mahal din si Maxpein Zin hindi lang nito halata.Maximor Moon matindi ang pagsuporta,
Istrikto rin kung minsan magsalita,
Masaya kapag sila ang nakikita.Heurt Park Moon ina na misteryosa,
Sa laban sa kanya ika'y makakaasa,
Mga kalaban hindi sa kanya makakaisa.Maxwell Laurent Moon na hilig ang magbasa,
Pero alang-alang sa kanyang prinsesa,
Sa laban s'ya ay kakasa.Maxrill Won Moon sa pagkain ay hindi nagsasawa,
Wala ng mata kapag s'ya'y tumatawa,
Mga pagkain at hayop sa kanya nagbibigay tuwa.Maxpein Zin Moon s'ya ang prinsesa nila,
Hindi umuurong sa mga pana at bala,
S'ya ang tagaprotekta sa kanila.Pamilyang Moon ang tawag sa kanila,
Natitiyak kong mas hahangaan natin sila,
Dahil sa magandang katangiang taglay nila.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoetryDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...