Unti-unti na natin sila nakikilala,
Ano ba taglay ng pamilya nila?
At kung bakit tinitingala sila?
Ano nga ba ang meron sa kanila?Kahapon ay nag-iwan ng pilat,
Katotohanan bahagyang naisiwalat,
Pahina ng buhay nila ay binuklat,
Katangian na kagulat-gulat.Pagdating n'ya ay hindi inaasahan,
Naghatid pa ito ng kaunting kaguluhan,
Hahasain at lilitaw ang sariling kakayahan,
Lilitaw ang katangian na kanyang pinagmanahan.Maxpein na hinangaan natin ng todo,
Pamilya nila tinatawag mang wirdo,
Isa lang ang panigurado,
Hahanga tayo sa kanilang mundo.Abangan pa ang kanyang pagdating,
Lahat ng atensyon sa kanya mababaling,
Lahing pinanggalingan n'ya ay magagaling,
S'ya rin ay ating makakapiling.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoetryDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...