TAGURO AT SENSUI

14 0 0
                                    

Paano nga ba sila nagkakilala?
Simple lang nagkatinginan sila,
Hindi nagustuhan ang tingin n'ya,
Kaya iyon pinatid na s'ya.

Walang anu-ano s'ya'y iniangat,
Kitang kita pa ng lahat,
Sinapak s'ya kaya s'ya'y nagulat,
Kaibigan n'ya sila'y mabilis na inawat.

Ito ang kauna-unahan,
Gumanti sa kanyang kalokohan,
Kaya ito naisipan n'yang gantihan,
Hanggang nakigaya na ang karamihan.

Isang lalaki na may pagka isip-bata,
Isang babaeng walang emosyon ang mga mata,
Lalaking dire-diretso minsan kung magsalita,
Babaeng boses lalaki raw kapag nagsasalita.

Taguro ang kanyang binansag,
Sa hirit n'ya ito ang bumabasag,
Tinutukso s'ya minsan na duwag,
Sensui naman sa kanya ang tinawag.

Silang dalawa ang bida sa kanilang mga mata,
Usap-usapan lalo na kapag sila ay nakikita,
Dati-rati rito ay madalas s'yang mairita,
Nagbago ihip ng hangin gusto na n'ya makita.

Hindi raw ito masyadong kagandahan,
Kaya malabo na kanyang magustuhan,
Hindi tulad nito ang kanyang matitipuhan,
Hanggang sa may nangyari hindi inaasahan.

Kinain n'ya lahat ng kanyang sinabi,
Hindi n'ya raw magugustuhan iyon ang sabi,
Kapag napagsasabihan s'ya ay lumalabi,
Kumakabog na ang puso n'ya pag ito'y nakakatabi.

Hanggang s'ya'y humahanga na sa kanya,
Nakikita na ang magandang katangian n'ya,
Simula nang walang alinlangan na tulungan s'ya,
Ang makita na ito ay nagdudulot na sa kanya ng saya.

Sa una ay hindi n'ya maamin,
Na ito na laman ng kanyang damdamin,
Mata n'ya lagi ito ang nais laging hagilapin,
Kauna-unahang beses tinawag n'ya itong Maxpein.

Kumakabog ang puso kapag s'ya'y ngumingiti,
Ngiti na nag-bibigay sa kanya ng kiliti,
Taguro na laging bukambibig parati,
Sa mga ginawa noon ayaw ng magsisi dahil ito ang naging ganti.

Nadarama n'ya ay pinatunayan,
Kahit pa sila ay nagbabangayan,
Hanggang sila ay nagpustahan,
At sa huli ay tuluyan nang nagkagustuhan.

Mula sa Taguro at Sensui na bansagan,
Hanggang sa babybabe na ang naging tawagan,
Isang pamamatid na hindi n'ya inaasahan,
Wagas na pagmamahalan pala ang patutunguhan.

Taguro at Sensui,
Pagtitiwala ang kanilang naging susi,
Tinanggap ang kanilang pagkakamali,
Pagpapatawad at pagmamahal ang namayani sa huli.






DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon