Maxpein feel be like
Nagising ang diwa ko sa ingay n'ya,
Sa pagiging OA ay nag-iisa talaga s'ya,
Sino pa nga ba walang iba kundi si Naih?
Gigising ba ko kung hindi ko kaya.Sila ni Maxwell ay nagtataka sa akin,
Tinatanong ko kung alam na nila kung sino tumira sa 'kin?
Sa gumawa nito sa 'kin, malalaman ko rin,
Paglabas ko s'ya ay aking hahanapin.Sabi ni Maxwell si Dean kanyang kakausapin,
Sagot ko mga bata lang gumawa nito sa akin,
Alam ko na nag-aalala s'ya para sa 'kin,
Bakit nila 'to ginawa ay aking aalamin.Nagpapahinga ako, kasama ko si Naih,
Ako ay binabantayan n'ya,
Lumabas s'ya maya maya,
Narinig ko na may tinawagan s'ya.Pagpasok ulit n'ya ay nagtanong na ako,
Nagtaka pa s'ya paanong nalaman ko,
Hindi naman masyado sarado ang pinto,
Pumunta sila Barb at Jep dito.Dumating si Maxwell daming dalang pagkain,
Ako ay makakalabas na rin, may gamot pa kong iinumin,
Kami ay makakauwi na rin,
Si Maxwell hinatid kami sa bahay namin.Si Naih ang nag-aalaga sa akin,
Gamot s'ya nagpapainom sa 'kin,
S'ya ang nagluluto ng pagkain namin,
Kasi si Maxwell ay ginagabi rin.Habang kumakain kami ng agahan,
Si Naih ay aking kinukuwentuhan,
Sinabi ko mga aking pinanghihinalaan,
Halata sa kanya na s'ya'y kinilabutan.Sabi ni Maxwell ipapasyal kami sa bahay n'ya,
At siyempre tuwang tuwa si Naih,
Nang makarating kami, sa pag-uwi agad ako nag-aya,
Dahil hanggang ngayon ay masakit kapag naaalala ko s'ya.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoetryDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...