UNA

14 0 0
                                    

Deib feel be like

Dahil sa sarili kong kalokohan,
Ikaw ay aking nagustuhan,
Nagustuhan kita na hindi namalayan,
Hanggang sa ayaw na kitang lubayan.

Ayoko na may kasama kang iba,
Kapag wala ka nakaramdam ng kaba,
Wala namang nakakapagtaka,
Ganito talaga kapag may nagugustuhan ka.

Bawat sandali ay iniisip kita,
Hinahanap ka ng aking mga mata,
Lahat ng ginagawa mo ay aking sinisita,
Hindi buo ang araw ko kapag 'di ka nakita.

Noong una sa 'yo ay hindi ako nagagandahan,
Kapag may nangyayari sa 'yo ako ay kinakabahan,
Sarili kong damdamin ay nahirapan akong pabulaanan,
Una kong nahulog sa 'yo at iyon ang katotohanan.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon