Maxpein feel be likeNag-iisip ng kantang kakantahin,
Balak ko s'yang sorpresahin,
Inaral ko ito ng ilang beses,
Kahit hindi gaano maganda aking boses.Subalit s'ya'y hindi natuwa,
Tinatanong ang sarili ano ba aking ginawa,
Ayoko na yata sa tinatawag nilang kaarawan,
Okasyon iyon kasi lagi na lang ako iniiwan.Ano ba ang aking naging kasalanan?
Wala talaga kong matandaan,
Nakangiti s'yang nakikipagsayaw,
Heto ako nakaupo sa sakit naghuhumiyaw.Ano ba ang problema n'ya?
Ano ba kasalanan ko sa kanya?
Muli ako ay napapahiya sa karamihan,
Bakit ang kaarawan para sa akin ay hindi kasiyahan?Sa pagkakataon ito ako'y muling napahiya,
Nakarinig na naman ng mga pangungutya,
Naroon s'ya masaya, kasama si Kim na nagsasayaw,
Samantalang ako tampulan na naman ng pangangantiyaw.Tuwing kaarawan lagi na lang ako nasasaktan,
Lagi na lang ba ko sa puso nila napapalitan?
Ano ba ang nagawa ko sa kanila?
Ano meron sila na ako ay wala?
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoetryDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...