Chapter I: I Do or I Die

3.7K 73 23
                                    

Brandy’s POV

Hello guys! I’m Belinda Raniella Valdimoza. You call me “Brandy.” Pangalan pa lang diba sosyalera na. Well, My family is very rich and famous and lahat ng gusto ko nakukuha ko at nagagawa ko. Achieved na achieved ! Thanks to my dad! Kaya ito, I’m a proud daddy’s girl. Kung idedescribe ko ang sarili ko, first sobrang ganda ko , yung tipong itabi mo sa akin si Sam Pinto o Anne Curtis magmumukhang chimay sila! Second sobrang talino ko, lagi kaya akong nasa honnor roal. I mean honored roll. Teka lang ha... May double R ba yun o single L? Well kahit ano pa yan. Basta lagi akong may medal every semester. Sobrang bait ko din, kapag may hindi ako gustong tao. Binabayaran ko sila para umalis harapan ko. Oh diba? Charitable ang lola nyo! Hindi ko na sila pinagsasalitaan o ginagawan ng masama, binibigayan ko pa sila ng pera! At tsaka...

“Hoy! Bratty!” sabay siko sa akin ng katabi kong lalake

“Ano na naman ba?! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi Bratty ang pangalan ko, Brandy nga!”

“Eh ano naman?! Hindi pangalan mo ang issue dito ngayon! Yung kasal natin. Tinatanong ka na ng pari!” bulong sa niya sa akin

Oo nga pala. Kinakasal na nga pala ako ngayon! Ano nga ulit pangalan nitong asungot na to?! Whatever! After this, gusto ko nang bumalik sa Manila.

“Tinatanggap mo ba si Sumpremo Potranco Acosta V bilang iyong asawa?”

“Hahaha! You’re name is so baduy pala! Tinganan mo ha. I’m Belinda Raniella and Brandy for Short while ikaw Supremo Potranco, meaning 'Supot!' Tapos and your surname pa is Acosta. 'Supot Ako!' HAHAHA!” sabay tingin sa kanya

“Baka nakakalimutan mo, parehas kami ng pangalan ng lolo ko at tatay ko.”

Tumingin ako sa may likuran. Dali dali din akong tumingin sa harapan. Hindi ko kasi carry yung tingin sa akin ng lolo at tatay niya. Bakit ko kasi sinabi yun?! The fifth nga pala siya. Eh di may The First, second and third pa yan. Bakit naman kasi yun yung pangalan niya!

“Ano ba itutuloy pa ba natin to?” may inis nang tono sa lalaking katabi ko

“Okayyyyy. I do Mr. Priest!”

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon