Chapter VI: Ang Kasunduan

1.5K 34 5
                                    

"Anong nangyari dyan sa kamay mo? Bakit nagdudugo?" Nagaalalang sabi Brandy kay Rem. Hahawakan na niya ang kamay ni Rem, ngunit iniwas ni Rem ito sa kanya.

"Huwag mo akong hawakan!" Inis na sabi ni Rem

Nagulat na lang si Brandy kay Rem. Napatitig na lang siya kay Rem habang papalayong itong lumalakad.

"Tingan mo to! Sabi kanina kelangan sweet. Eh sya namang nagsusungit. May sayad ata to eh? Nasapian kaya o may double personality?"

Sa isang restaurant...

"Lia, marami nang order. Ang bagal mo!" Sabi ng isang babae

Hindi naimik si Lia. Punas lang siya ng punas ng mesa

"Lia, ano ba? Hindi ka lang mabagal! Lutang ka pa! Kung hindi lang dahil kay Sir Froilan, inalis na kita!"

"So-sorry po!"

"Manager Mina, ang aga aga. Ang sungit sungit natin ah."

"Ayy kayo po pala sir Froilan. Eh kasi naman tong si Lia, lumulutang sa oras ng trabaho"

"Pagpasensyahan nyo na siya. Ang ganda ganda nyo tapos nagsusungit kayo. Bawas ganda points din yan."

"Ayy ganun po ba sir?! Hindi na po ako magsusungit. Hihi." Pacute na pagkakasabi ng manager

"Manager mina, hihiramin ko muna si Lia ha. Okay lang ba?" Sabay ngiti at pisil ng pisngi si Froilan sa manager

"Sige lang po shhhhiir! Kawhit khelan nyohh pa phoo guhstuhin." Mapangakit na tono ng manager

"Thanks manager! Tara na Lia." Hinila ni Froilan ang kamay ni Lia

"Sa-saglit lang. May trabaho pa ako."

"Napagpaalam na kita."

"Pero..."

"Basta tara na."

Lumabas na nga sila ng restaurant na pagmamayari ng pamilya nina Froilan.

"Sakay na."

"Saan tayo pupunta?"

"Lunchdate! Treat ko."

"Pero..."

"Wala nang pero pero! Sumama ka na lang." Nakangiting sabi ni Froilan

Nang makapunta sila sa isang buffet restaurant...

"Ang daming pagkain naman dito." Sabi ni Lia

"Sabi nila ang mga babae daw, pag masama ang loob mahilig maglabas ng sama ng loob sa pagkain. Mas marami daw silang kinecrave para ma-ease yung nararamdaman nila. Kaya dito kita dinala para marami kang choices."

"Kanino mo naman nalaman yan? Sa mga naging babae mo?" Natatawang sabi ni Lia

"Well, in fact, yes. Madalas kung hindi shopping, eh food trip ang gusto nila. Lalo na yung mga sweet foods."

"Hindi naman ako mahilig magshopping, pero kumain, oo!" Ngumiti si Lia

Nang matapos sila kumain...

"Okay ka na ba?" Tanong ni Froilan

"Hmm... medyo okay na!"

"Medyo lang? Dapat okay na. Baka may gusto ka pang food."

"Wala na. Tumaba na ko nyan!"

"Okay lang. Maganda ka pa din."

"Naks. Bihasa na mangbola ng babae."

"Hay nako. Wala talaga! Lahat ng sinsabi ko sayo, binabasag mo. Iba ka talaga Lia."

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon