Chapter XXXII: The Real Me

1K 39 21
                                    

Madaling araw...

Nagising si Rem sa isang kamay na nakalapat sa kanyang tyan. Pababa ito ng pababa sa kanyang boxers.

Pinigilan niya ang kamay na yon at sinabing "Brandy, ayoko ng mga ganyang biro mo."

Hindi naimik si Brandy. Tuloy pa din ang kamay sa pagpipilit nitong makalapit sa boxers ni Rem.

"Saglit nga lang." Humarap si Rem sa kanyang likod. Nanlaki ang mata niya sa nakita niya.

"Si-sino ka?" Nalaglag si Rem sa mula sa kama sa pag-atras nya. Dali dali niyang inabot ang switch ng lamp shape sa kanyang tabi.

"Hello Rem!" Bati ni Bart

"Bakit nandito ka? Anong ginagawa mo dito?" Malakas na boses at natataranta na sabi ni Rem

"Ingay nyo naman! Patulog naman kayo." Sabi ni Brandy

"Brandy! Bakit nandito si Bart sa kama natin?"

"Sa kama natin?" Nagising na ang diwa ni Brandy. "Hayop ka Bart! Di ba sabi ko sayo sa salas ka matulog! Bakit ka nakikisiksik dito?"

"Eh kasi ang yummy ni fafa Rem. Di ko napigilan!"

"Baka gusto mo pang dagdagan ang mga pasa mo sa katawan?" Sabay suntok ni Brandy kay Bart

"Ouch naman teh! Di ka na naawa sa lamog na dyosa kong katawan. Makaalis na nga!" Umalis na nga si Bart sa kama nina Brandy at Rem. Pumunta na din siya sa salas at nahiga sa sofa

"Bakit andito yan? Tsaka bakit ang dami nyang pasa sa mukha? Basagulero ba yang si Bart?" Tanong ni Rem

"Pffftt! Basagurelo? Eh sa kahol ng aso na tili na yun. Nabugbog sya ng tatay nya. Nalaman na kasi na berde ang dugo nya. Ayon, pinalayas din. Naghahanap muna sya kung saan pwede magstay. Dito sya pumunta."

"Ahhh. Okay. Sige, kaso huwag na huwag mo nang papasukin yan sa kwarto ah."

"Bakit naman? Hinipuan ka ba?"

"Alam mo naman pala eh!" Nagtalukbong na lang si Rem sa hiya

Kinabukasan sa campus...

"Ay teh. Bwisit na yan! Di effective ang concealer sa mga pasaness sa mukha ko! Mukha ko na tuloy akong boksingero!" Pagdadrama ni Bart habang tinitingnan niya ang mga pasa sa salamin

"Kasi naman bakla, pano ka ba nahuli?"

"Nakakita ba naman ng make up sa bag ko."

"Eh bakit di mo sinabi na akin yon?"

"Sinabi ko nga, kaso ang problema nakita nyang may eyeshadow pa ko teh! Ayon nilakihan nya yung eyeshadow. Ginawa nyang black eye!"

"Anong sabi ng tita?"

"Si mamita? Iyak lang ng iyak. Pinipigilan si dading kaso waley. Kahapon nga lang ako nakakita ng mga flying pants, tshirts and everything. Pinagtatapon ang gamit ko sa labas. Sabi pa nya 'Wala akong anak na bakla!'. Sinabi ko nga na wala naman talaga pero babaeng junakis, meron. Ayon, pinagsisipa ako."

"Ginalit mo pa lalo!"

"Hayy nako teh! Kahit nagkaganon kami, mas maluwag na sa heart evangelista ko ang lahat. Umamin na ko eh. Ladlad na ng tuluyan! Pahiram ako ng shorts mo ah. Matagal nang mainit sa mata ko yang mga ganyan eh. Gustong gusto ko na itry at chumenes na sa labas."

"Tse! Baka mawarat yon kapag sinuot mo! Ayoko!"

Ilang araw nga ding nagpalipas si Bart kay na Brandy. Napansin ni Rem na sobrang saya ni Brandy at lalong umingay nang dumating si Bart. Natutuwa naman siya dahil may iba din namang nakakausap ang kanyang asawa lalo pa kung busy siya kanyang mga gawain.

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon