Chaper XXXIX: I Miss You

1K 43 29
                                    

"Ayos ka lang ba bakla?" nagaalalang tanong ni Bart

Namumutla si Brandy. Dali dali siyang pumunta sa lababo dahil may nararamdaman siya sa kanyang katawan na hindi kaayaaya. Hindi na niya napigilan ang sarili, nagumpisa siyang magsusuka.

"Jusme teh! Anong nangyayari sayo?" sabay himas ni Bart sa likod ng kaibigan

Suka ka pa din ng suka si Brandy.

"Hindi kaya nagbunga na ang ginawa ninyo ni Froilan? Buntis ka ata Brandy!"

Nagmumog agad si Brandy at pinunasan ang kanyang bibig.

"Timang ka ba? Saan ka nakatala na may nabuntis sa halik? Tsaka nung isang araw lang yon! Isa pa kaya ako nagsusuka kasi gagamit gamit ka ng banyo tapos di ka nagbuhos! Kadiri ka! Linisin mo yun kundi ingungudngod kita sa suka ko!"

"Sarrehhhh!"

Brandy's POV

Pakshet! Effective ang ginawa sakin ni Froilan. Nalimutan ko nga lahat, puro naman pangungonsensya mula sa pangyayari ang nasa isip ko ngayon. Di ko kinaya yun ah. Jusme! Akala ko mananakaw na ng pirata ang tinatago kong kayamanan.

Pagkalinis nila ng bahay ni Bart at Brandy. Namahinga muna sila para makapagkwentuhan.

"Hayy buti na lang maayos na kahit papano si tita. Sorry teh kung wala ako here. Kung alam ko lang na mangyayari yan di na kita iniwanan." Sabi ni Bart

"Okay lang teh! Lagi ka namang nandyan para sakin. Nagkataon lang talaga. Buti na lang din nandyan si Froilan."

"Ano ba talagang nangyari nung gabi? Nagulat ako nung sinabi mong nagkiss kayo eh!"

"Hinalikan nya lang ako tapos parang natulala ako. Nung naramdaman kong binubuksan na niya ang damit ko parang di ako makagalaw sa shock at kaba. Buti na lang tumigil siya."

"Tumigil siya kasi nakita nyang walang laman ang dyoga mo teh! Naturn off sya!"

"Leche ka! Nagsorry sya ng nagsorry sakin kasi nadala lang daw sya pangyayari."

"In love pa kaya sayo si Froilan teh?"

"Asa naman! Baka gusto lang nun makakiss. Wala na si Lia, kaya ako pinagiinteresan nya."

"Ayy teh manhid manhidan? Maang maangan? O tanga tangahan? Ikaw pa eh napakafeelingera mo lagi! Kahit wala namang gusto sayo eh feeling mo patay na patay sayo. Tapos ito, ganyan ang reaksyon mo? Ex ka nya! Di lang naman tipong week o months lang ang naging relasyon nyo. Kamusta naman ang almost two years natin dyan? Tapos sobrang bigat pa ng paghihiwalay ninyo teh. Ano yun hahalik na lang dahil nagustuhan nung tao? Eh diba nga sobrang galit non sayo dati? Yung bugbog issue remember?"

"Eh anong gusto mong isipin ko? Mahal na pa din ako after all these years? Na kahit nagkagirlfriend na siya ng madami ako pa din ang nasa isip niya? Kahit matagal na sila ni Lia eh ako pa din ang nasa puso nya? Aba ang haba naman ng hair ko non!"

"Wow! Ang humble ni teh! Yan ang kilala kong Brandy, assumera! Pero what if love ka pa din nya anong gagawin mo?"

"Ahhh...ehhh"

"Uyy di makasagot. Kinilig ka ba? Nabuhayan ba ang puso mo para kay Froi matagal mo nang chinuchak para makamove on na?"

"Asa ka! I have Rem! I love Rem! May asawa na ko at alam ko ang limitations ko."

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon