Chapter XXXI: Tickets!

1K 37 13
                                    

"Ahh Rem, hayaan mo kaming magpaliwanag." Sabi ng daddy ni Brandy

"Wala na po kayong dapat pang ipaliwanag. Kami na lang po sana ni Brandy ang dapat mag usap."

"O sya! Una na kami Rem. Si Brandy naman yung dapat yung magpaliwanag sayo. Sige Bye! Tara na daddy!" Wika ng mommy ni Brandy

"Mommyyy! Daddyyy! Huwag nyo naman akong iwan! Ang daya nyo!"

"Sige po. Paalam. Ingat po kayo." Pormal na nagpaalam si Rem

Nang naiwan na nga ang dalawa...

"Alam ko naman Brandy na pinakapriority mo talaga ang pera kaso yun lang ba ang worth ng kasal na to sayo? Isang ticket?!"

"Wag mo nga minamaliit ang ticket nila!"

"Aba! Talaga naman tong taong to! Bahala ka nga sa buhay mo!"

Kahit noong gabi hindi sila nagtabi sa kama sina Rem at Brandy. Hindi rin iniimikan ni Rem si Brandy kahit mag-umaga na.

Kinabukasan, nakita na naman ni Gian si Brandy na palihim na sinusundan si Rem. Kasama naman ni Rem si Lia at mukhang masayang naguusap ang dalawa.

"Ano ba yan? Maging stakler ako ng stalker din kapag sinundan ko tong si Brandy." Sinundan nga din ni Gian si Brandy

Napansin ni Gian na parang naiinis si Brandy. Noong isang sabado lang na date nila ay masayang masaya naman si Brandy nang sunduin ito ni Rem. Napansin nya din naman na kahit papano ay medyo nagseselos si Rem tuwing magkasama sila ni Brandy. Ngunit ang pinagtataka niya ay bakit balik na naman ang dalawa sa dati.

"Ano ba naman tong dalawang to? Di pa ba nagkakaaminan." Sabi ni Gian sa sarili

Sina Froilan naman...

"Lia, do you wanna go with me? I'm gonna check out some new car models. Parang gusto ko nang palitan yung akin ngayon." Pagyayaya ni Froilan kay Lia

"Maganda pa naman ah. Maayos pa din."

"Kahit pa maganda at maayos, basta pag parang ayoko na, pinapalitan ko na."

Medyo nakaramdam ng kaba si Lia sa sinabi ni Froilan.

Habang nasa kotse sila...

"Froi, kapag ba kahit maganda at maayos ang relationship natin at nagsawa ka na? Papalitan mo na agad ako?"

Natawa si Froilan sa sinabi ni Lia. Pinisil niya ang pisngi ng kasintahan.

"Ikaw talaga. Kinukumpara mo ba ang kotse sa relationship natin? Malayong malayo ko gagawin sayo yon. Tao ka naman at di bagay."

"Wala lang."

"In love ka na ba sakin kaya mo tinatanong yan?" Masayang sabi ni Froilan

"Ahmm...ewan! Pero naiisip na din talaga kita."

"Improving. Sana sa susunod, sigurado ka na. Pero okay lang naman, kaya ko naman maghintay."

Nang makarating sila sa mga kanilang destinasyon...

"Maganda ba to Lia, bagay ba sakin? Mas magiging chick magnet ba?" Tanong ni Froilan

"Yun pala ang dahilan mo kung bakit gusto mo bumili ng bago!"

"Biro lang! Ikaw naman."

Napansin din ni Lia na parang gustong gusto din bumili ni Froilan ng motor.

"Gusto mo ba ng motor?"

"Oo. Dati. Yan talaga ang gamit ko noon."

"Ah ngayon ba puro kotse na ang gusto mo?"

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon