Chapter XLIII: Ang Mga Senyales

964 36 17
                                    

Rem's POV

Anong sinasabi ni Gian? Hindi ko maintindihan. May iba pa bang nanliligaw kay Brandy nang di ko alam? Sino na naman kaya? Si Bart? Bakla talaga siya eh. Si Buknoy? Sobrang bata pa nun eh. Si Froilan? Imposible! Sa dami ng pagpapahirap dati na ginawa nung tao kay Brandy tsaka takot na takot pa nga si Brandy dati sa kanya, pinakaimposible talaga yung kanila. Isa pa sabi ni Brandy magkaibigan lang sila kahit dati pa. Eh sino kaya?

Isang gabi, naisipan naman pumunta ni Lia sa bar na madalas nilang pinupuntahan ni Froilan sa pagbabasakaling makita ang dating kasintahan. Hindi nga siya nabigo at nandoon nga si Froilan kasama nina Nikki.

"Hello." Medyo nahihiyang bati ni Lia

"Hi Lia! I miss you. Dito ka sa tabi ko." Sabi ni Nikki

"Buti nagpupunta ka pa din dito kahit di na kayo." Sabi ni Jeremy

"Naging masaya din naman ako dito kaya gusto ko ulit bumalik." Sabi ni Lia habang nakatingin kay Froilan

Maya maya'y naiwan muna sina Froilan at Lia sa table nila habang sina Nikki at Jeremy ay nakikipagusap sa iba nilang kakilala.

"Kamusta ka na Froilan?"

"I'm good. Ikaw?"

"Okay lang din. May gusto sana akong sabihin."

"Ano yun?"

"Sorry."

"For what?"

"For breaking up with you."

"Nah! It's okay. Siguro nagkulang din ako sayo kaya di mo ako nagawang mahalin din. Don't worry I'm fine."

"Yun nga eh. Hindi ka naman nagkulang. Ako lang ang may mali dito."

"I understand. Matagal na naging kayo ni kuya at nagbreak lang kayo sa isang bagay na hindi ninyo naman talaga ginusto at inaasahang mangyari. Tsaka our relationship started because of revenge, kaya ito, bad ending din ang nangyari."

"Ayoko naman maging masama ang pagtatapos natin. Gusto ko makipagayos."

"Ahh... it's okay. Siguro pwede rin maging friends ulit tayo kasi di lang naman kita simpleng ex, kababata din kita."

"Froi kasi...ano... yung sa relationship natin... yung amin ni Rem... paano ko ba sasabihin?"

"Kung iniisip kung nakamove on na ako, okay na ko Lia. Tsaka isa pa, tanda mo ba yung minsang naikwento ko sayong first love ko nung highschool? Iniisip kong ligawan siya ulit para magkabalikan kami."

Natulala si Lia sa mga sinabi ni Froilan. Parang tinusok ang kanyang puso sa kanyang narinig. Hindi siya makapagsalita. Pinipigilan niyang tumulo ang kanyang luha. Pinilit niyang ipakita kay Froilan na ayos lang siya.

"Ahh...talaga? Uhmm...teka lang pala, parang nagvibrate ang phone ko."

Tiningnan ni Lia ang kanyang cellphone upang kunwaring may magtext sa kanya na dormmate niya.

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon