Chapter VIII: Reyna Elena

1.4K 40 20
                                    

Sa pagkakataob nila, namalayan na lang ng dalawa na magkalapat na ang mga labi nila.

Ngunit sa di iniaasahang pagkakataon, dumating ang ina at lolo ni Rem na ganoon ang eksena.

"Ano na naman ang kalokohan na ito anak? Pati ba naman sa hapag kainan ay hindi ninyo pinalampas?" Galit na sabi ng ina ni Rem

"Haha. Rem, hindi ko akalaing napakapilya ng iyong asawa." Natatawang sabi ng lolo ni Rem

Sobrang hiyang hiya ang dalawa kaya hindi sila makaimik.

Brandy's POV

Dear God, simula nang makilala ko tong taong to. Puro nakakahiyang pangyayari na lang ang nangyayari sa buhay ko. Yung totoo po? Tinutubuan na po ba ako ng balat sa puwet?

"Nakakahiya hija! Mukhang ikaw pa ang nangunguna. Ganyan ba talaga ang mga kababaihan sa Maynila? Wala kang delicadeza!"

"Mariana, sila naman eh mag-asawa na. Tayo nga ang dapat ang humingi ng paumanhin dahil hindi tayo nagpasabi na tayo ay darating. May pribadong buhay din naman sila. Mga apo, kayo'y aming sinadya upang alamin kung nagiging maayos pa ba ang inyong pagsasama. Sa nakikita ko'y malamabing na kayo muli sa isa't isa." Nakangiting sabi ng lolo

Si Brandy at Rem ay tahimik lang habang sinisermonan ni Mariana. Parehas silang nakatungo at naiilang tumingin sa isa't isa.

Matapos silang sermonan, umuwi na din ang lolo at ina ni Rem. Habang ang dalawa naman, tahimik lang pumasok sa kanikaniyang silid na magkatabi...

Brandy's POV

OMG! OMG! Hindi na virgin ang lips kooo! Ano ba yan Brandy?! Kung ano ano kasing pinag gagawa mo, ayan tuloy.

Pero iba yung feeling, para akong nakuryente...

Ang init ng lips nya tapos...

Shems! Huwag ka nang magisip ng kung ano bakla! Mamaya mainlove ka nyan eh! Focus dapat sa pera! Pera! Pera! I love money! I loooove money!

Ngunit napuyat si Brandy sa kakaisip.

Kinaumagahan...

"Hindi pa din ba gising si Brandy? Sabi ko maaga siyang gumising para magluto!" Sabi ni Rem

Pinuntahan nga niya si Brandy sa kwarto kakatukin niya na sana ang pinto nang maalala niya ang nangyari kagabi.

"Kakatukin ko ba o hindi?" Nagpalakad lakad muna siya habang nagdadalawang isip kung kakatukin si Brandy. "Wag na nga lang!"

Mas nanaig ang hiya ni Rem. Kaya siya na lang ang nagluto ng kanilang umagahan.

Nang magising si Brandy...

"Wow! Luto na!"

"Oo mahal na prinsesa!" Medyo inis na tono ni Rem

"Yehey!"

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon