Chapter XXXVII: Their Past Part I

1K 36 21
                                    

"Kaya mo to Brandy!" Sabay pasok ni Brandy sa pintuan ng classroom.

Unang araw ng klase ni Brandy sa bilang Second year highschool sa isang pribadong eskwelahan.

Umupo si Brandy sa isang bakanteng upuan at luminga linga upang malaman kung may kakakilala siya.

"Si Bart ba yun?! Baaarrrt!" Sabay kaway ni Brandy kay Bart

Si Bart naman ngumiti lang ng matipid kay Brandy at tumungo na tila ba nahihiya sa ginagawa ni Brandy.

Nang magbreak time na at matapos ang mga paunang klase ni Brandy, may ilang babaeng lumapit sa kanya.

"Transferee?" Tanong ng katabi ni Brandy sa kanya

"Oo eh. Ako nga pala si Brandy."

"I'm Nikki, the queen of this school. To whose family do you belong?"

"Uhmm. Valdimoza Family? Yun ba?"

"Valdimoza? Are you related with the owner of Valdimoza Manufacturing Company?" Tanong ng isang babae

"Ay hindi. Taga dyan lang ako sa may rile-"

"Oo. Tito nya yun!" Sabat ni Bart

"Okay. Ahh! You know each other." Sabi ni Nikki

"Oo. Kaibigan ko sya. Brandy, tara lunch tayo sa canteen." Sabay hila ni Bart kay Brandy

Nang nasa canteen na sila...

"Grabe namang mga pagkain dito. Kamamahal, para na kong bumili ng sampung ulam na karendirya ni Aling Mameng sa presyo pa lang ng ulam dito. Gulay pa to ha. Ayokong bumili. Kukunin ko na lang yung binalot ko." Pagrereklamo ni Brandy

"Brandy, huwag kang masyadong maingay. Tsaka ililibre na kita, huwag mo lang kunin yung binalot mo."

Nang makahanap nga sila ng pwesto na malayo layo sa mga estudyante...

"Bakit ba? Anong meron? Bawal ba ang binalot sa school na to? Wala naman akong nakita dun sa student handbook tungkol sa binalot. Tsaka di ko naman tito yung may ari nung kompanyang sinasabi nila." Nagtatakang sabi ni Brandy

"Tingnan mo ang paligid mo."

Tumingin nga si Brandy sa paligid.

"Kita mo ba? Puro elitista ang mga tao dito. Nakikita mo ba yung isang yun? Yung lalaking inuutos utusan don at si Nenita, yung classmate natin nung elementary,scholar lang kasi yun dito eh. Ayun pinagkakaisahan din. Ginagawan pa ng kwento na may almuranas daw yon. Kung gusto mong mapagaya sa kanila, sige aminin mong mahirap ka. "

"Ano namang masama sa pagiging mahirap?!"

"Brandy, hindi uubra ang pagiging palakaibigan at patas mo sa school na to. Di to tulad nung school natin ng elementary. Kaya kung ako sayo sumabay ka na lang sa agos sistema ng school na to. Ako nga nung nalaman nilang public school lang ako nung elem, grabe kung matamatahin nila ako patalikod. Di lang nila magawa ng paharap ngayong general na ang tatay ko. Di lang yun, minsan nga kahit mayaman ka pa basta di ka nakikisama sa trip nila o baduy ka, out ka pa din."

Sinunod nga ni Brandy ang payo ni Bart. Dahil wala naman siya pera, palihim siyang nagtatago kung saan saan sa school, kung saan makita niyang bakante para kumain.

Sa paglipas ng buwan, napasin nga ni Brandy ang sobrang diskriminasyon sa hindi lang sa pagitan ng mayaman at mahirap, kahit din sa matalino at mahina, sa kaibahan ng kulay at panlabas na itsura. Sa bawat araw, di napapansin ni Brandy na naguumpisa nang sumibol sa kanyang puso ang insecurities sa katayuan niya sa buhay.

"Gusto ba ng mga tao dito, lahat ng papasok ay perperktong tao?" Inis na sabi ni Brandy

"Oo. Kaya kung ako sayo magbulagbulagan kana lang sa nakikita mo."

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon