Chapter XXX: Thanks Gian!

1K 33 18
                                    

"Pwede ba Brandy?" Tanong ni Rem

"Eh kese nemen, ekew ehhh." Pacute na boses ni Brandy

"Alam mo na, kasal na tayo. Sana naman alam mo ang limitations mo. Masisira lang ang pangalan mo pati pangalan ko. Pano na lang pagnalaman to nina lolo? Tsaka ako nga, hindi ko naman pinupursue si Lia kasi alam ko naman na bawal nga diba. Sana ganun ka din."

"Ganon?! GANON?! Eh kung pakainin kaya kita nitong bubog! Kung pangalan mo lang inaalala mo, pwes I don't care! Magpapaligaw ako kahit anong oras, kahit ilan at kahit kanino! Makikipagdate na ako sa kanya sa sabado kahit pigilan mo pa ko." Inis na inis si Brandy

"Bahala ka nga sa buhay mo! Di mo pa nga kilala yung tao, papaligaw ka na!"

"Eh ikaw nga di ko pa alam ang pangalan mo, pinakasalan na kita!"

"Ah...ikaw! Nakaka... Hay! Ewan ko sayo!" Walang maibato si Rem dahil may punto naman si Brandy

Brandy's POV

Bahala ako? Ganon? Okay! Pagna inlove ako kay Gian, makikita mo! Magsisisi ka! Sa ganda kong to! Ginaganyan mo! Hu u ka talaga saken kapag hinabol mo ko! Asa naman pansinin kita. Taga bitbit ka na lang ng bag ko, pag nangyari yon!

Rem's POV

Grabe talaga tong si Brandy! Makikipagdate na lang agad agad. Di man lang niya iniisip ang responsibilities nya bilang may asawa. Tsaka mamaya lokohin pa sya non. Nako, tatawanan lang kita at pagbibitbitin ng bag ko, pag nangyari yon!

Sabado...

"Hi Brandy!" Bati ni Gian habang nakasandal sa kotse nya

"Huwaw! Ang gara ng car!"bulong ni Brandy

"Tara?"

"Game! Let's go!"

Sumakay na nga sila ng kotse ni Gian...

"San mo gusto pumunta?"

"Hmm... I really wanna watch a movie."

"Sige. Horror, action, love story?"

"Horror!"

"That's cool. Sige!"

Sa loob ng sinehan...

"Awoooooo! Waaahh!" Sabay takot ni Brandy sa batang katabi niya. Iyak naman ng iyak ang bata.

Si Gian naman napapatawa na lang sa ginagawa ni Brandy

"Ang ganda ng movie no?" Sabi ni Brandy kay Gian

"Oo maganda nga." Nakatitig si Gian kay Brandy sa panunuod nito

Nang matapos silang manuod, niyaya ni Brandy si Gian na pumunta sa iba't ibang botiques

"May gusto ka ba dyan?" Tanong ni Gian

"Bakit bibilhin mo?"

"Kung gusto mo eh."

Nagningning ang mga mata ni Brandy.

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon