Chapter XXVII: U.S.C.

1.1K 33 21
                                    

Isang linggo na nang magpasukan muli ngunit si Brandy ay hindi pa din nakakaget over sa bakasyon.

"Grabe bakla, parang ayoko pa pumasok. Kinakalawang pa din ang utak ko. Kanina nga habang nagsasalita ang teacher natin feeling ko nasa bahay lang ako at nanuod ng history channel para magpaantok." Sabi ni Brandy

"Ay oo nga teh. Ako din! Nagenjoy ako sa China! Tapos yung mga-"

Nakita ng dalawa sa harap nila na dumaan si Lia at Rem na magkasama.

"Ayan na naman ang hubby mo, kasama na naman si ex shoting!"

"Hay nako. Medyo tanggap ko na ang friendship ng dalawa."

"Huwaw! Sa bagay dapat lang naman teh. Ikaw naman kasi ang naghasik ng lagim sa peaceful lovestory nila."

Nabwisit si Brandy sa sinabi ni Bart kaya naisipan niyang sundan si Lia at Rem.

"Hello Lia! Hello Rem!" Sabay singit sa gitna ng dalawa

"Uy! Hi Brandy!" Nakangiting bati ni Lia

"Brandy." Bati ni Rem

"Mukhang busy tayo ngayon ah. Ano ba ginagawa nyo? Saan ang punta nyo?"

"Inaayos lang namin ni Rem yung papers namin para sa next University Student Council Election. Tatakbo ulit kami ulit."

"Ahh. Ano ba position nyo ngayon?"

"Si Rem, USC vice chairperson dati. Ako councilor pa lang. Pero ako na yung tatakbong vice chairperson ngayon." Wika ni Lia

"Hindi ko kasi din nagampanan yung tungkulin ko nang maayos bilang vice dahil nga nawala ako ng isang sem. Kaya binabalak kong tumakbo ulit, pero this time chairperson na. Madami kasi din akong di natupad sa mga plataporma ko kaya balak ko ituloy." Sabi ni Rem

"Ahh. Okay. Sige. Balik na din ako sa department ko ah."

Nagpaalam na nga ang dalawa kay Brandy.

"Kanina lang mukhang gustong gusto mo sumama sa kanila, eh bat bumalik ka?" Tanong ni Bart

"Eh ayoko ng mga ganon. Boring at complicated."

"Nako Brandy, pagnagkataong si Lia ang vice at si Rem ang president, mas magkakalapit pa ang dalawa. Alahanin mo magka-course na sila, magka-org at ngayon sa USC naman. Eh ang bigat pa man ding responsibilities yung hawak ng mga yun. Baka mamaya uuwi na lang siya sa inyo para matulog."

Muli na namang umandar ang pagiging selosa ni Brandy sa panunulsol ni Bart.

"I will not agreement! I will be the next USC chairperson!"

"Ay teh, kinalaban mo naman si Rem nyan. Fatay ka kapag ikaw nga naging president. Nganga ka!"

"O sya! Vice chairperson na lang para si Lia ang kakalabanin ko. Tapos kami ni Rem ang magkakaron ng madaming sweet at kilig moments."

"Oo nga! Go Brandy! Iboboto kita! Ipangangampanya pa!"

Ngunit hindi alam ni Brandy kung gaano kabigat ang kanyang papasukin. Nung araw ding yon, agad na kumuha si Brandy ng application form. Nang mafill up-an na ni Brandy ang form, diretso na niyang pinasa ang USC office. Sa huli, nareject siya.

"Paking tape naman tong buhay na to oh! Wala na! Wala na yung kilig moments namin ni Rem sa loob ng USC room." Pagrereklamo ni Brandy

"Bakit teh? Anyare ba?" Tanong ni Bart

"Eh kasi dami palang requirements non! Wala daw silang independent party na tinatanggap. Dapat daw kasali sa mga party list. Bukod don kelangan ko daw ng at least three organizations na susuporta sakin na tumakbo. Ang hirap naman non!"

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon