Chapter XVI: Cheaters Always Win

1.2K 35 10
                                    

"Paano mo nasabing dinaya ako, Brandy?"

Biglang dumating si Rodrigo.

"Buknoy! Napakatigas talaga ng ulo mo. Hindi ba't sinabi ko na sayo na huwag kang sasawsaw sa gulo?! Pakabata mo pa!" Pinagalitan ni Rodrigo si Buknoy

"Hayaan mo na Rodrigo. Huwag mo nang masyadong pagalitan."Sabi ni Rem

Sinamaan lang ni Rodrigo ng tingin si Rem. Umalis ito ng tahimik habang kinakaladkad ni Buknoy.

"Hoy Rem, yung mga kawayan kanina, yung sayo lang ang sobrang lagkit at landas. Tapos yung iba sakto lang. Medyo rough pa nga ang sa kanila.Yung kawayan ng nanalo, kakalahati lang ang nilagyan ng langis. Yung baba lang, yung sa taas wala na. Napansin ko kanina ikaw lang nahihirapan don." Pagpapaliwanag ni Brandy

"Pano mo nalaman yan? Imposible! Sinong gagawa non?"

"Ewan ko. Tsaka balitang balita din na sinadya mo daw ipatalo ang laban eh. Mukhang may galit sayo yung taong yon. Ngayon, galit na sayo yung mga magsasaka."

Biglang nanlamig si Rem nang pumasok sa isipan niya ang mukha ng taong maaring gumawa nito sa kanya.

"Nagsimula na naman pala siya."

"The who?!"

"Mukhang tama ka Brandy. Kaya, kailangan ko nang gumawa ng paraan."

"Tama! Kung dinadaya ka! Dapat dayain mo din para patas lang."

"Hindi ko gagawin yon. Magiging patas pa din ako! Kelangan ko muna makasigurado sa mga hakbang na gagawin ko."

Sa ikalawang araw ng palaro, mula sa isang isla papunta pa sa isang isla, kailangan maibalik ng manlalaro ang puting bandila gamit ang isang banka at sagwan. Sa pagkakataong ito, nabali naman ang sagwang gamit ni Rem kaya't kinakailangan niya pang gumawa ng alternatibong sagwan upang makabalik sa isla. Sa huli, siya pa din ang pinakahuling dumating.

Mas naging malala ang mga bulung bulongan tungkol kay Rem. Hanggang sa pinuntahan na din sina Rem sa kanilang bahay at binabato bato na siya ng kamatis ng mga magsasaka. Ang ginawa ni Brandy kumuha siya ng tubig mula sa banyo ay isinaboy sa mga taong nangbabato kay Rem.

"Kulang kayo sa paligo! Ayan tubig fresh from toilet bowl! Umalis na kayong mga hinayupak kayo. Huwag kayong magkalat dito ng kamatis nyo!"

Nang makaalis na ang mga nanggugulo...

"Hayst! Grabe! Sabi ko sayo mangdaya na din tayo Rem! Di pwedeng ginaganyan ka nila! Di na uso ang martyr ngayon! Lumaban ka bakla!" Inis na sabi ni Brandy

"Lalaban ako sa paraang alam ko! Lalaban ako ng patas. Tatapusin ko to at hindi ko bibitawan to."

"Anong gagawin mo?!"

"Kailangan ko lang ibuhos lahat ng makakaya ko. Ang mga nandadaya hindi nagtatagumpay sa huli."

"Wow Rem. You did your best but I guess you best wasn't good enough! Ano aasa ka lang sa pagiging patas mo at kakayahan mo! Leche Rem! Hindi ka mabubuhay sa mundo kung ganyan ka! Tsaka maliit lang nabagay tong pandadayang gagawin mo pero ang kapalit mas malaki! Makukuha mo na yung sakahan at di na pagdududahan yang kakayahan mo!"

"Brandy, ang maliliit na bagay pag pinagsama sama, lumalaki. Ikaw na din ang nagsabi, maliit na bagay lang, kaya bakit pa ko mandadaya! Sa maliit na bagay na yan, naguumpisang mahulma ang mga kurakot! Alam mo ba yon? Tsaka mananalo nga ako ngunit uusigin naman ako ng konsensya ko."

"Rem, hindi dahil patas ka eh magiging patas na din ang mundo sayo! Welcome to the real world! Hindi na uso yan! Sa huli ang mga nandadaya ang mga nanalo! Cheaters never quit! Quitters never cheat! And Cheaters always win! Yung mga nandadaya, hindi natigil yan sa pagiisip kung paano makapanlamang ng kapwa! Ibig sabihin sila ang mas may diskarte at mas matalino!"

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon