Chapter XXII: The Real Culprit

1.1K 33 12
                                    

Napaisip si Brandy, kung bakit di niya nalaman na may kapatid si Rem. Bigla na lang niyang naalala na parang may kinukumpara ang lolo ni Rem sa kanya tuwing may magagawa itong mali.

"Oo nga pala! Ang tanga ko! Di ko man lang tinanong si Rem about dun! Bakit kasi wala man lang pictures silang nakasabit sa pader!"

Napaisip din siya kung paano nga ba naging magkapatid ang dalawa, tsaka bakit si Froilan ay nagaaral na sa Maynila kahit highschool pa lang kaya tinanong niya si Rem kung paano nangyari yon.

"Rem, bakit si Froilan, highschool pa lang nasa Manila na?"

"Kagagawan yun ng kanyang ama."

"Kanyang ama? Diba kapatid mo sya?"

"Pakiramdam ko di ko tatay si ama. Sige, sasabihin ko na sayo. Siya ang may kagagawan nung pandarayang nangyari sa palaro."

"Bakit naman niya gagawin yun?"

"Gusto niya kasing ibigay kay Froilan ang pagiging head of the clan."

"Eh bakit? Ikaw ang panganay diba?"

"Simple lang, si Froilan lang ang anak niya."

"Sinong tatay mo?"

"Ewan!"

"Sabi sakin ni Froilan nung friends pa kami, ampon daw siya. Nagleak nga yung secret na yun. Isa yun sa pinagkasira namin. Ako lang daw ang pinagsabihan niya."

"Parehas lang kami ng iniisip. Di ka pa ba nagduda kay ama sa umpisa pa lang nung pinilit tayong ipakasal? Tanda mo noon, ipapatay ako o ipapakasal sayo. Ni hindi man lang niya pinakinggan ang paliwanag ko."

"So seryoso siyang ipapatay ka?"

"Oo! Matagal na niyang gusto yon para masolo ng anak niya lahat! Nakakita siya ng butas sa akin, noong dumating ka."

"Ganon? Ang sama! Eh akala ko mabait siya kasi siya ang gumawa sa inyo nung batas na pwedeng ipadala sa Maynila kahit sino ayon sa narinig ko non sa inyo."

"Panganay lang sa punong pamilya ang napapadala sa Maynila noon. Gumawa siya ng batas na kung sino ang mangunguna sa bawat taon sa highschool o ang kakakitaan ng kakaibang talino kahit bata pa lang ang siyang ipapadala sa Maynila upang makapagaral. Ipinaisip niya sa mga tao na may pantay pantay lang na karapatan sa mahirap man o mayaman. Pero Acosta lang din naman ang may sapat na kakayahan para makaaccess sa mga mas advance na kaalaman. Sa huli, puro Acosta lang din ang nangunguna. Yung kaso ni Froilan, ipinakalat niya na iba ang talino ng kapatid ko at nararapat lang ipadala na agad sa Maynila. Dahil sa pagaakala nga ng mga tao sa amin na karapat dapat si Froilan kahit di siya panganay, kahit di pa siya highschool, ipinadala na siya. Yun ang plano niya, ang maipadala si Froilan sa Maynila upang mas maging lamang ang kaalaman lalo na sa akin. At yung katotohanan sa pantay pantay na karapatan na pag aaral, gusto kasi niya na mawala ang privilage ko bilang panganay na makatungtong ng Maynila. Inaakala niya na may taong lalamang pa sa akin sa mga kabatch ko nung highschool. Meron siyang isang estudyanteng binigyan niya ng access sa library namin at lahat talaga ng kailangan sa eskwela binigay niya."

"So bad naman pala ni Don Potranco!"

"Kahit yung pagpipilit nila na huwag muna tayong pumasok ng isang sem para lang maturuan bilang magasawa, gawa gawa lang nya yon. Pinaniwala lang niya si lolo at si ina na kailangan pa nga natin tumigil para matuto sa kanila. Ang gusto niya kasi di ko maunahan si Froilan sa pag graduate. Mas madami na kasi akong magagawa kung sakaling makatapos na ko. Mas mapapagtuunan ko na ng pansin ang mga problema sa bayan."

Ngayon, alam na ni Brandy kung ano nga ba ang nangyayari. Hindi na siya masyadong naguguluhan tulad ng dati.

Dumating na ang unang araw ng pasukan. Sa pagkadelay nila ng isang semstre, si Rem ay maguumpisa pa lang bilang isang fourth year college sa kursong BS Econ at si Brandy naman bilang third year sa kursong BS HRM. Parehas ng kurso si Bart at Brandy, si Lia naman kaparehas ng kay Rem. Bs Biology naman si Froilan. Ang tatlo ay nasa pangalawang semestre na ng pagiging third year nila.

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon