Chapter VII: Sariling Bahay

1.3K 41 7
                                    

Ilang araw pa din na hindi masyadong makausap ng lahat si Rem. Lagi lang siyang tahimik at malalim ang iniisip. Naisipang kausapin ng lolo ni Rem si Brandy upang alamin ang mga nangyayari.

"Hija, napasin kong ang aking apo'y paliging matamlay. Mayroon pa din ba siyang dinadamdam?"

"Ay nako. Hindi ko din po alam, grandpaps."

"Grandpaps?"

"Grandfather, lolo."

"Iyan ba ang tawag ninyo sa mga lolo sa kamaynilaan?"

"Hindi naman. Pero para boom panes!"

"Boom Panes?"

"Uhhm. Maangas!"

"Haha. Gusto ko yan. Maangas!"

"Yeah Grandpaps! Ayy... palagay ko po, naiinis lang yan kasi di siya agad nakabalik ng Manila "

"Bakit naman siya maiinis? Dapat nga diba'y matuwa siya at makakapagpahinga muna siya at makakasama niya ang kanyang pamilya?"

"Haayy grandpaps! Alam nyo kahit ako din naman po eh gusto nang magpasukan. Hindi naman dahil may klase na. Syempre pag pasok, may datung!"

"Datung?"

"Opo. Datung! Baon! Pera!"

"Ganoon ba? Magkano ba ang kailangan niya?"

"Mukhang makakakuha ako ng pera!" Sabi ni Brandy sa isipan nya

"Pwede na ba ito?"

Nagabot ng dawang pung libo ang lolo ni Rem kay Brandy

"Hmmm...siguro ho. Pwede na."

"Sana'y matuwa siya dyan. Hati na kayo dyan."

"Talaga po? Salamat!"

Napangiti si Brandy.

Brandy's POV

Yes! May pera na ako kahit papano! Hindi ko ibibigay to kay asungot! Bayad nya to saken sa pagpappahirap nya saken sa isla. Hahahaha.

Maya maya...

Nagpunta si Brandy sa kwarto ni Rem

"Hoy! Alam mo bang nagaalala na ang lolo mo sayo? Ang emo mo daw kase!"

Hindi pa din naimik si Rem.

"Dapat mapasaya ko tong si Rem para maisip ni grandpaps na nakuha nya na ang pera."bulong ni Brandy sa sarili

"Rem, may gustong gusto ka bang bagay? Sabihin mo lang, bibilhin ko."

"Brandy, lumabas ka na lang. Gusto kong mapag-isa."

"Pag ba lumabas ako, magiging masaya ka na?"

"Aba, marunong ka din pala mag-alala."

"Syem-syempre naman! Hangga't mag-asawa tayo, ang role ko alamin kung may problema ka para mapasaya ka."

Napangiti si Rem

"Mabait ka din naman pala." Sabi ni Rem

"Oo kaya! Mabait talaga ako."

Hapunan...

"Mga anak, ngayong kayo'y mag-asawa na nararapat lang na bumukod na kayo sa amin. Ngunit, hindi ibig sabihin nito ay hindi na namin kayo gagabayan." Sabi ng ama ni Rem

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon