Chapter XXIV: Happy Birthday Rem!

1K 36 11
                                    

"Rem, patulong naman ako dito." Pakiusap ni Lia kay Rem

"Saan?" Tanong ni Rem

"Dito sa may part na to." Tinuro ni Lia ang chapter sa libro kung saan siya nahihirapan

Hindi na bago sa kay Rem na nagpapaturo sa kanya si Lia. Dahil nga galing sila sa highschool na limitado ang naibibigay na kaalaman, nahihirapan silang magadjust sa subjects. Mabilis naman din matuto si Lia ngunit kasing bilis at galing ni Rem.

"Alam mo Rem, namiss ko to. Namiss ko yung tinuturuan mo ko. Mula bata pa tayo lagi mo na akong tinutulungan. Nahirapan talaga ako last sem nung wala ka. Ibang iba ang pakiramdam pag wala ka. Doon ko narealize na masyado pala akong nakadepende sayo."

Napatingin si Rem sa mga mata ni Lia. Gusto niyang ipaabot ang kanyang nararamdaman ngunit hindi niya magawa. Prinsesa ang turing niya sa dating kasintahan. Ayaw niya itong mahihirapan at ayaw niya din itong nasasaktan kaya't masakit sa kanya na isiping iniwan niya ito upang panatilihing malinis ang kanyang pangalan na siya ding kailangan para maabot niya ang pinakapangarap.

Di namalayan ni Rem na nagkakalapit na pala ang kanilang mukha. Napaatras siya bigla.

"Lia, siguro...mamayang vacant na lang kita turuan. May gagawin pa din ako." Pagiwas ni Rem

Nainis si Lia sa ginawa ni Rem. Unang beses niyang gumawa ng move sa isang lalake at nareject pa siya.

"Oo nga Rem. Ibang subject na lang muna ang pagaaralan ko. May elective kasi akong subject under biology. Kay Froilan na lang muna ako pupunta." Tumayo si Lia at ligpit ng kanyang gamit. Umalis siya nang hindi nililingon si Rem.

Nang marinig ni Rem na may iba ng taong hinihingan si Lia ng tulong bukod sa kanya, kumirot ang puso niya. Hindi niya napigilang habulin si Lia.

"Saglit lang Lia, tuturuan na kita."

"Di ba may gagawin ka pa?"

"Sa ibang araw ko na lang gagawin."

"Sige." Napangiti si Lia

Habang tinuturuan ni Rem si Lia napaisip siya...

Rem's POV

Okay lang naman sa akin ang ganito, ang makasama siya kahit hanggang dito na lang kami. Siguro ayos lang naman na manatili kami katulad noong dati na hindi pa kami magkasintahan. Wala namang kaso kung matalik kaming magkaibigan.

"Lia, pwede bang parang tulad noong dati na magkaibigan pa lang tayo, ako lang yung hihingan mo ng tulong?"

"Ang tanong, andyan ka ba lagi para sakin?"

"Oo naman. Hindi ko na gagawin ulit sayo. Pinapangako ko talaga sa sarili ko!"

"Sige, hindi na. Basta ba katulad din ng dati, pupuntahan mo ako agad agad. Kung hindi, tatawag agad ako ng iba."

Naging malapit ulit ang isa't isa. Dahil nasa iisa lang silang department at course, madalas silang magkasalubong. Pag nagkataong break time ng dalawa, nagkikita sila.

Hapunan sa condo nina Brandy...

"Kamustang araw mo, Rem?"

"Okay lang."

"Masayang masaya ka siguro kasi lagi mong kasama si Lia noh?"

"Oo. Bakit?"

"Ang sama sama mo!"

"Masama?"

"Masama! Kasi ako na ang asawa mo!"

"Oy teka nga, sa akala mo ba pinagtataksilan kita?"

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon