Chapter XXXIII: Change of Hearts

1K 35 19
                                    

"Lagi ka bang naglilinis ng bahay?" Mataray na tanong ni Donya Mariana

"Opo naman."

"Pinagluluto mo ba lagi si Rem?"

"Syempre naman po."

"Inaasikaso mo ba sya bago pumasok?"

"Katulong talaga ata at hindi asawa ang turing sakin ng nanay ni Rem. Nyemas na yan!" Sabi ni Brandy sa sarili

"Ina, di naman po talaga ako dapat masyado magpaasikaso kay Brandy. Parehas naman po kasi kaming napasok." Nakangiting sabi ni Rem

"Haayy anak. Ang tagal kitang di nakasama." Niyakap si Rem ng kanyang ina

"Ay, lolo hanggang kelan po pala kayo dito?" Tanong ni Brandy

"Mga dalawang linggo lamang kami dito, hija. Magkakaroon kasi ng selebrasyon para sa ika tatlong pung anibersaryo ng kompanya."

"Maninirahan muna kami sa isang hotel." Sabi ni Donya Mariana

Nakahinga ng maluwag si Brandy dahil kahit papano makakatakas siya sa pagaalipin ni Donya Mariana.

"Maya, maya pupuntahan na din namin si Froilan. Pero bago muna yan, nais ko munang kausapin ka Rem ng tayong dalawa lang." Wika ni lolo

Pumunta nga si lolo at si Rem sa kwarto at doon nagusap. Habang sina Donya Mariana naman at Brandy ang naguusap sa salas.

"Apo, may napapansin ka bang iba sa kapatid mo?" Tanong ni lolo

"Wala naman po. Bakit po?"

"Mukhang gumagawa na si Potranco ng hakbang para maipasa ang kanyang posisyon kay Froilan. Unti unti na niyang ginagawang kaalyado ang mga kapitan ng baranggay sa atin. Mukhang mas iniaangat niya ang pangalan ni Froilan kaysa sayo. Bukod pa doon, yung ibang investors sa ating kompanya dito, nais ding makilala si Froilan at masuri ang galing niya na pinagmamalaki ni Potranco."

"Hindi po pwedeng mangyari yon. Mababalewala lahat ng aking pinaghirapan pagnagkataon."

"Oo apo. Mukhang palihim na ngang sumasama si Froilan sa mga pagpupulong sa kompanya at sa mga salo salo din sa iba't ibang korporasyon. Pinapakilala na niya ang sarili nya."

"Pero alam ko, hindi interesado si Froilan sa mga ganyan. Ang alam ko din, hindi nya gusto ang posisyon bilang punong tagapamahala ng angkan."

"Hindi natin alam kung anong nangyari. Maaring nagbago na ang isip niya."

Biglang naisip ni Rem na parang nagiba nga ang kanyang kapatid. Iniisip niya na ang paglaban ni Froilan sa kanya bilang USC chairman ng school ang pinakaunang pagpapahiwatig na nais nang makipagsabayan ng kanyang kapatid sa kanya. Bukod pa dito, may ilang problema din siyang kinahaharap ukol sa pagsalungat ng ilang organisasyong may kinalaman kay Froilan sa patakaran ng USC.

"Kailangan kong paghandaan si Froilan."

Samantalang sina Froilan naman...

"Hi Babe!" Bati ni Froilan kay Lia sa cellphone

"Hello Froi!"

"It's your birthday tomorrow! Are you excited?"

"Bakit naman ako maeexcite?"

"Kasi I have surprise for you! Kaso sinabi ko na, ako pala yung excited."

"Ikaw talaga."

"Syempre naman. I want to make my most precious girl the happiest in her birthday!"

"Ano kaya yan?"

"Secret. I'm gonna send you an address. Tapos punta ka don bukas. 9 am sharp!"

"Opo. Hindi naman po ako nalalate!"

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon