Chapter L: His Greatest Love

967 42 24
                                    

"Gising na Rem." Bulong ni Brandy sa kanyang asawa

Hindi pa din namulat si Rem.

"Hmm...bakit?" Inaantok pang sabi ni Rem

"Pinaghanda na kita ng almusal. Baka lumamig pa to sige ka."

Minulat ni Rem ang kanyang mga mata. Napangiti siya sa kanyang nakita.

"Breakfast in bed!" Masayang sabi ni Brandy

"Aba! Anong nakain mo at naisipan mong gawin to?"

"Wala naman. Gusto ko lang. Nung magstart ang tong second sem mas nahirapan ka nang pagsabay sabayin yung gawain mo. Tapos may mga weekends pa na kailangan mong umuwi ng probinsya. Sobrang layo nun. May thesis ka pa at ikaw pa din ang naghahawak ng company nyo. Para naman ma cheer kita kahit papano, kaya ginawa ko to."

"Akala ko may may hihingin ka eh."

"Grabe naman to."

"Mas matutuwa ako pag ano, may good morning kiss." Mahinang sabi ni Rem

"Ha? Ano ulit?"

"Ki-kisss."

Biglang may tumawag kay Brandy. Sinagot niya naman ito.

"Oh Bart? Andyan ka na?... oo sige... punta na ko."

"Asar naman!" Sabi ni Rem sa sarili

"Sige Rem, una na ko. Hanap na din ako ni Bart. Mamaya pa naman ang klase mo diba?"

"Oo. Sige. Ingat! Bye!"

"Bye!"

Napabuntong hininga lang si Rem nang makaalis si Brandy.

"Okay na kami ng pamilya ko, ayos na din ang problema ko sa kompanya at ako na din ang pinuno ng angkan. Ang galing mo Rem! Kaso lang hanggang ngayon, nganga ka pa din kay Brandy. Siguro ito na din yung time para pagtuunan ko talaga ng buong pansin si Brandy. Wala nang gulo. Wala nang away. Ano nga kayang pwedeng gawin para kay Brandy?"

Habang sina Brandy naman sa campus...

"Oyy teh! Mukhang big time na big time na si Fafa Rem ah. Nakikita ko na siya sa mga newspapers! Hottest and youngest CEO! Galing! Ako kaya kelan?" Sabi ni Bart

"Pagpatay ka na. Lalabas yung pangalan mo sa obituary." Sabi ni Brandy

"Ayy nako! Uunahin ko nang mapunta sa headlines dahil wanted sa pagpatay sa babaeng katabi ko!" Aktong sasabunutan ni Bart si Brandy

"Subukan mo! Hahalikan kita!"

"Joke lang teh. Ayoko pa ulit mamatay. Bawas na nga yung nine lives ko sa ginawa mo dati."

Nakasalubong ng dalawa ang barkada nila Froilan.

"Hello Fafa Froi!" Kindat ni Bart

"Hi Bart! Hi Brandy!" Nakangiting bati ni Froilan

"Hello." Medyo nahihiyang bati ni Brandy

"Hey Brandy, why don't we hang out sometime? I hope you can give our 'old friendship' another chance." Sabi ni Nikki

"Oo nga Brandy. Gusto namin talagang makabawi sayo." Sabi ni Jeremy

"Sige. Ayoko na din talagang magkaroon pa ng hinanakit kahit kanino." Wika ni Brandy

Napangiti si Froilan at ginulo ang buhok ni Brandy.

Sa isang banda naman...

Nakatingin si Lia sa kanyang cell phone at binabasa ang mga messages nila ni Froilan nung sila pa. Tatawa siya, ngingiti tapos iiyak din. Tila ba para siyang baliw habang inaalala ang nakaraan.

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon