Chapter IX: Ang Bagong Lia

1.3K 37 3
                                    

Kinaumagahan...

Habang nasa kama pa si Brandy at nag iisip ng mga bagay bagay...

"Hayy! Di pa rin ako makaget over kagabi! Kilig na kilig ako." Sabay yakap ng maghigpit sa unan

Brandy's POV

Di ko akalaing bubuhatin ako ni Rem. OMG! First time sakin gawin yun. Tapos siya pa ang naggamot sa sugat ko sa paa! Kahit na ginanon ako ng batang yon, wapakels na! Basta nabuhat naman ako ni Rem! Kinikilig talaga ako!!! Wait... wait lang! No! No! No! No way Brandy! Wake up! After ilang years baka hindi na din kayo. Tsaka bat ka kinikilig eh di mo naman sya gusto?! Tska may iba din naman siyang girlaloo! Si Lina? Lia ba yun? So hindi pwede! Hindi ka pwede mainlove! Pero... kilig talaga eh!!!

Nang walang anu-ano'y biglang narinig niya ang malakas na boses ni Rem

"Braaaannnndddyyyyyyy!" Sabay katok ng malakas sa pintuan si Rem

Dali daling binuksan ni Brandy ang pintuan.

"Ene yen Rem? Hihi" pacute na boses ni Brandy

"Tanghali na! Di ka pa nakakapagluto ng almusal!"

"Ayy oo nga pala. Sige." Masayang sabi ni Brandy

"Tapos hindi ka pa nakakapagwalis!"

"Oo after kong magluto." Malumanay pa din si Brandy

"Ang labas puro tuyong dahon na! Tapos tambak na ang marumi! Tapos-"

"Nyeta! Ako na lang lahat! Brandy luto! Linis! Brandy ganito, ganyan! Brandy! Brandy!"

"Ikaw eh! Palagi ka pang papaalahanan!"

"Tadyakan kaya kita sa ngala-ngala!" Bulong ni Brandy

"May sinasabi ka?"

"Wala!"

Tumalikod si Rem. Dinuro duro siya ni Brandy habang nakatalikod. Minura nya pa si Rem sa pamamagitan ng hand sign.

"Brandy..." lilingon na si Rem. Biglang pinasok ni Brandy ang panggitnang daliri niya sa ilong para hindi halata ni Rem ang pagmumura niya.

"Dito ka pa talaga naglilinis ng ilong."

Biglang narealize ni Brandy ang ginawa niya kaya't biglang baba niya sa kamay niya. Tumalikod siya kay Rem sa sobrang kahihiyan.

"Maghugas ka ng kamay bago magluto!" Paalala ni Rem

Mas nakaramdam pa si Brandy ng hiya. "Oo na!" Inis na inis si Brandy

Napailing na nangingiti si Rem sa kanya.

Sa kabilang banda naman...

Dumating si Froilan at Lia sa isang coffee shop...

"Hey guys!" Bati ni Froilan sa mga kaibigan niyang nasa isang table

"Wazzup?!" Bati ni Nikki

"Bakit mo kasama si Lia?" Sabi ni Jeremy

"Guys, meet my girl, Lia."

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon