Chapter XIX: The hot Teacher

1.1K 31 7
                                    

Brandy's POV

He kissed me! Yung tipong kiss na hindi aksidente ah! Sinadya nya! Meaning, mutual ang feelings namin sa isa't isa. Tama ako diba? Yun na yon! This is it! I'm sooo in-love with him! I can't contain my feelings anymore! Sasabihin ko na sa kanya!

"Hoyy Brandy! Natulala ka na." Sabi ni Rem

"Ha? Bakit anong sabi mo?!"

"Sabi ko palaka ka!"

"Oo palaka ako. Kokak!" Nakangiting sabi ni Brandy

"Di ka man lang naasar?"

"Bakit naman?"

"Kasi tinatawag kitang palaka."

Napakunot ang noo ni Brandy "Anong ibig sabihin niya don? Hinalikan nya ko para matawag na palaka?" Sabi ni Brandy sa isipan niya

"Bakit mo ko hinalikan?" Tanong ni Brandy

"Eh nagpapahanap ka ng palaka at pinapahalik mo ko don, kaya ikaw hinalikan ko. Wala lang naman sayo yung ganun diba? Sabi mo dati nung aksidenteng halik natin parang nagdampi lang yung balat natin."

Dahil wala pang masyadong experience si Rem sa mga babae, sobrang naive pa niya na kabaligtaran naman ni Froilan.

Nainis si Brandy sa kanyang narinig at sinapak niya si Rem.

"Aray!" Sabi ni Rem

Seryoso ang mukha ni Brandy "Huwag mo nang uulitin yon! Baka mapasa mo pa sakin ang germs mo! Mas gusto ko pang halikan ang palaka kesa sayo! Kadiri! Paginulit mo yon, tutulian kita!" Sabay punas ng bibig ni Brandy

"Grabe naman to! Sige na! Hindi na! Mukhang pikon na pikon ka na. Titigil na ko."

"Huwag mo na kong kausapin!"

Kinagabihan, inis pa din si Brandy sa ginawa ni Rem.

"Kulang pa yung unan natin! Magdagdag ka pa sa gitna!" Sabi ni Brandy

"Ang sikip na! Mahuhulog na ko nito!"

"Basta! Lagyan mo ng lagyan! Ayokong makita ka!"

"Ang sungit mo naman!"

"Pakshet ka! Akala ko naman gusto mo na din ako." Bulong ni Brandy sa sarili

Kinaumagahan, pinaghanda ni Rem si Brandy ng almusal para makabawi sa kanya. Kinalimutan na din ni Brandy ang ginawa ni Rem dahil kinilig naman siya kahit papano sa effort ni Rem na ipaghanda siya.

Habang sina Froilan at Lia naman...

"Lia, sumama ka na sakin." Pangungulit ni Froilan

"Froi naman. Nasa work ako. Second part time job ko pa man din to at nagstart pa lang din ako."

"Saglit lang naman eh. I miss you so much and I want to be with you. Dalawa na yang jobs mo. Wala ka nang time sakin."

"Tsaka marami tao. Kelangan ko na din mabenta yung mga brownies dito. Ilang minutes lang tong break ko kaya nasagot ko yung tawag mo."

"Sige na nga. Pero natapos ka dyan ng maaga, kita tayo ha?"

"Sige! Sige!"

Maya maya biglang dumating si Froilan kung saan nagwowork si Lia.

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon