Chapter XXV: Brandy vs Lia

1.1K 35 11
                                    

"Lia, I'm putting everything on the line if I let you do what you want. Yes, our main goal is for you to get revenge. Pero alalahanin mo, I'm also doing my best to make you fall for me. Sumobra ka sa ginawa mo! Nandoon ako, sa harap ko pa talaga?" Inis na sabi ni Froilan

"I...I'm sorry."

"Sige. Huwag muna tayong magkita. Pag isipan mo muna ang ginawa mo."

"I'm sorry. Hindi na ko magpapadalos dalos."

Isang umaga sa campus...

"Ayun nga ang nangyari Bart." Malungkot na tono ni Brandy

"Haha. Iba din pala gumalaw yang karibal mo. Dapat may ginagawa ka din Brandy. Sabi nga ng iba 'Daig ng malandi ang maganda', kaso sa case niya maganda na sya, malandi pa."

"Ang sakit lang Bart."

"Wait, don't tell me inlababo ka na talaga ke fafa Rem? Sa pagkakakilala ko sayo, I think ayaw mo kay girl kasi ex siya at gusto mo lang makipagcompete. Tama ba ko?"

"Hindeeeee!"

"Ayy patay tayo dyan teh! Inlove kang gaga ka?! Tandaan mo, maayos sana ang relationship ng dalawang yun kung di ka dumating at nanggulo sa buhay ni Rem. Di ba decided pa nga si Rem na ipaannul ang kasal nyo? Pano ka na nyan sa huli?

"Anong magagawa ko? Nainlove lang ako."

"Isipin mo kasi na hindi pwede. Kung baga para ka lang tinga, dumi sa kuko o kaya natapakang tae. Hindi naman kinakailangan pero singit ng singit. Di ka na nakakatulong, nakakapwerwisyo ka pa."

"Anong gagawin ko? Di ko napigilan."

"Ay teh! Kasi naman di mo naisip na parang PBB lang yan, inlove inlove pag nasa loob ng bahay, paglabas nagwawala na! Kayo lang kasi ang nagkakasama lagi don, eh nung bumalik sa real world, balik na din sa sa real relationship nya!"

"Pano na ko?! Pano na tong magandang to?!"

"Eh bat di ka tumingin sa paligid?"

Tumingin nga si Brandy sa paligid. Walang tao kung di sila.

"Walaaaaaa." Napangalngal si Brandy

"Ayy sori naman. Sa matao ka kasi tumingin. Sa dinami dami ng tao sa mundo, meron dyang isa para sayo. Malay mo si Froilan. Kita mo nga tinakbuhan mo na't lahat pinaglalapit pa din kayo."

Napatigil ang ngalngal ni Brandy "Hayop! Ayoko nga! Pagnaging kami ulit, parang kumuha ako ng bato at ipinukpok sa ulo mo."

"Sa ulo ko talaga teh?"

"Hayy nakakainis. Isa pa yan! Bakit si Froilan pa? Sa lahat naman ng tao sa mundo eh sya pa ang naging kapatid ni Rem. Pwede namang si Tunying Lizardo para 'Tuli Ako' kasi supot naman tong si Rem."

"Lokring ka talaga. Sinasabi ko sayo hangga't maaga pa na hindi ka pa hulog na hulog eh balutan mo na ng bakal yang puso mo pagdating kay Rem."

Mga ilang araw ngang hindi muna nagusap si Froilan at Lia. Naisipan abangan ni Lia ang kanyang kasintahan sa department nito.

"Froilan!" Tawag ni Lia

"Hmm... Bakit?"

"I bought you some sweets."

"Bakit naman?"

"Kasi pagnalulungkot ako dinadalhan mo din ako ng sweets."

Biglang natawa lang si Froilan.

"Ikaw talaga!"

"Gusto ko talagang bumawi eh. Kahit anong gusto mo."

"Eh kung hmmm..." tiningnan ni Froilan ng malagkit si Lia

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon