Chapter LI: The Consequence

1K 39 35
                                    

"Ayoko na kasi! Tama na Froilan!"

Para bang biglaang tinusok ang kanyang puso dahil sa narinig. Nanginginig siyang tumayo. Agad niyang ipinaling ang kanyang mukha kung saan di mahahalata ni Brandy ang kanyang reaksyon.

"Rem... ano... kasi..." unti unting tumayo din si Brandy

"Clo-close na pala kayo ni Froilan?" Pinipilit ni Rem maging masaya ang kanyang tono

"Oo. Rem, ang totoo nyan-"

"Sa bagay, kapatid ko din naman siya kaya ayos lang maging malapit ang pamilya. Tsaka, sabi nyo nga dati parang best friends kayo."

"Ahmm-"

"Sige! Brandy, aayusin ko lang tong kalat natin. Gutom na ko. Start ka na ulit magluto. Sorry sa pagiging makulit ko." Pinilit niyang ngumiti kay Brandy

Brandy's POV

Hayy! Ang engot mo talaga kahit kailan Brandy! Sa kakapilit mong isipin ang mukha ni Froilan para lang di ka mahulog sa ginagawa ni Rem sayo, ayan napasobra! Siya tuloy nabanggit mo! Pero, okay lang naman din ata kay Rem eh. Siguro nga oras na para malaman niya ang lahat.

Kinagabihan, habang nakahiga silang dalawa sa kama...

Rem's POV

Bakit? Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako. Bakit niya sinabi ang pangalan ni Froilan? Tsk! Tama na! Huwag kang magisip Rem ng kahit ano! Tigilan mo yan! Baka iba naman yun! Di naman ako magagawang lokohin ni Brandy. Hindi niya gagawin dahil mahal niya ko! Diba? Hindi siya magiging maalaga at malapit sa akin! Tsaka nung halikan ko siya dati di naman siya nagreklamo! Hindi niya rin ako yayakapin kung wala siyang nararamdaman. Hindi niya ko tutulungan ng sobra sobra sa mga problema ko kung wala naman siyang pakialam. Isa pa, hindi niya sasabihing mahal niyaa ko kung di naman totoo! Huwag kang maisip Rem! Tumigil ka na!

Tinakluban ni Rem ng unan ang kanyang mukha at pinipiliit na magisip ng ibang bagay. Ngunit kahit anong pilit niya, mas lumalamang pa din ang sakit sa kanyang puso.

Mas tinuon ni Rem ang kanyang pansin sa trabaho at eskwela upang makalimot na din sa pangyayari at maaga niyang matapos ang mga gawain bago pa magsabado. Niyaya niya kasi ang asawa na lumabas ng weekend na iyon.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Brandy

"Basta."

"Sama natin si Simon. Malungkot siya eh."


"Seryoso ka?"

"Oo! Sige na. Please!"

"Sige na nga. Basta ikaw magdadala."

"Kinakahiya mo ba ang gawa ko?"

"Hindi no! Sabi ko nga ako nang magbibitbit."

Dinala nila ang kanilang bike at isinakay sa kotse. Pumunta sila sa isang lake na pasyalan talaga ng mga magkasintahan at ng mga pamilya.

"Aba ayos dito ah!" Sabi ni Brandy

"Ganda diba? Inaalagaan talaga nila ang lake dito para maging tourist spot din. Iikutin natin yung lake gamit yung bike natin."

"Sige! Paunahan tayong makaikot!"

"Tara!"

Habang nagbibike ang dalawa, dumidikit si Rem kay Brandy at umaaktong itutulak ang bike ni Brandy. Asar na asar naman siya dahil ilang beses na siyang mahulog sa bike dahil sa takot.

"Ang daya mo naman eh! Tinatakot mo ko! Ayan tuloy nabagal ako sa pagbibike!" Sabi ni Brandy

"Wala talo ka na! Ikaw manlilibre ng kakainin natin ngayon."

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon