Chapter II: I am Cinderella

2.3K 54 12
                                    

“KA-Kasal na po! Kasal na! I will marry him! Yes! Yes! I accept the proposal! I accept him!”

“Sige. Ipatawag ang kanyang magulang. Mamamanhikan tayo sa madaling panahon din!”

Brandy's POV

And then, ayun na nga. Pinatawag agad ang mga parents kooo. Dati guidance office lang yun. Ngayon Level up na! Sa munisipyo na! O diba bongga!

“Brandy, ano na namang ginawa mong kalokohan?” sabi ni mommy

“Wa...wala. Siya ang yung may ginawa sa akin.” Sabay turo kay asungot

“ANONG GINAWA MO SA ANAK KOO???” sabay higit ni daddy sa kwelyo ni asungot

“DAD! DAD! Chillax lang!”

"Magandang umaga sa inyo ginoo at ginang..." sabi ng ama ni asungot

"Valdimoza po. Magandang araw din mayor." Sabi ni daddy

"Nais ko na po sanang umpisahan na ang pagpupulong ukol sa pagiisang dibdib ng ating mga anak. Marahil umabot na din sa inyo ang kapangahasang ginawa ng aking anak."

"Pagpapakasal? Bata pa po ang aking anak at hindi siguradong may nangyar-"

Siniko ni mommy so daddy nang sobrang lakas

"Ayy Mayor! Sige po. Dapat sa madaling panahon na!"

"Mommy!!!" Sabay naming sabi ni daddy sa sobrang gulat

Hindi ko maintindihan pero pumayag si mommy. Bahala na nga!
Ilang oras din umabot ang meeting. Napatingin ako sa aking kanan. Nakita kong galit na galit si asungot. Kung makatingin eh nilalamon ka ng buhay. Hindi ko nacarry ang tingin nya kaya tumingin ako sa kaliwa, nakita ko naman ang nanlalaking mata ng nanay ni asungot na nakatingin sa akin. Tumungo na lang ako. Ayoko nang makita ang mga tingin nila. Hanggang sa...

"Brandy... Brandy..." sabay tapik sa akin ni mommy

"Ayy! Butiking may blackeye!" Nagulat ako sa tapik.

Nakatulog pala ako. Muntik na tumulo ang laway ko dun ahhh. Hanggang sa napansin ko na lahat sila nakatingin silanglahat sa akin.

"Brandy, tinatanong ka nila kung payag ka ba?" Tanong sa akin ni mommy

Kunyari nakikinig ako kaya "Opo! Okay na okay! Lahat ng sinabi nyo I agree."

"Sige. Sa ikatlong araw mula ngayon. Itutuloy na ang kasal." Sabi ng father ni asungot

"Haaaaa?!!! Ikatatlong araw? Agad?! Agad?!"

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon