Chapter XI: The Awakening of Brandy

1.3K 36 11
                                    

Sa Campus...

"Lia, pano nga pala ang position ni kuya sa University Student Council? Diba sya ang nanalong vice nung last election?"tanong ni Froilan

"Oo nga eh. Pinagpupulungan nga namin yan. Baka yung secretary na muna ang maging officer-in-charge. Di pa din nila nakakausap si Rem."Tugon ni Brandy

"Ahh. Okay. Mukhang mas magiging busy ka na din ngayon ah."

"Oo nga eh."

"Basta kapag kailangan mo ng tulong. Tawagan mo lang ako o text. Ahh, nga pala para sayo." Sabay abot ng isang box kay Lia

"Ano to?"

"Buksan mo."

"Cellphone? Parang di ko ata matatanggap."

"Magagalit ako pag binalik mo yan sakin."

"Pero..."

"Basta, ang gusto ko, ngumiti ka na lang at magpasalamat."

"Sige. Salamat." Ngumiti nga si Lia

Sa isang banda naman...

"Don Potranco, maari bang si Rem na lang ang aking makapulong ukol sa ating proyekto."sabi ni Don Hernando

"Ahhh. Kaso si Rem ay hindi pa naman ganoong alam ang pasikot sikot ng ating negosyo." Sabi ni Don Potranco

"Hindi ba't siya na din naman ang susunod sa iyong yapak? Nararapat lang na habang bata pa siya ay natuturuan na. Gusto ko ding makarinig ng mga makabagong ideya na maimumukahi isang kabataang tulad nya."

"Ku-kung iyan ang iyong nais."

Si Rem na nga ang nakikipagpulong kay Don Hernando na nakatira sa karatig probinsiya. Tuwang tuwa naman si Brandy at nakakapagbyahe siya kahit papano.

"Rem, maari mo bang sabihin sa akin ang iyong presentasyon sa loob ng bente minutos o mas mabilis pa? Tanong ni Don Hernando

"Po?"

"Kaya mo ba?"

"Kaya po!" Sagot ni Rem ng may determinasyon sa kanyang mukha.

Natapos nga ang presentasyon ni Rem kay Don Hernando

"Rem, maganda ang iyong mga ideya. Ang mga gawa nga ng ating mga katutubo'y maaring ikalakal sa mga napili mong lugar. Kaunting pagreredesenyo nga ang kailangan upang makahabol naman sa makabagong panahon ngunit nandoon pa din ang tatak ng mga katutubong gumawa nito."

"Salamat po Don Hernando."

"Pagusapan naman natin sa susunod ang plano upang masimulan na ang proyekto."

"Sige po!" Masayang sabi ni Rem

Si Brandy naman nakatulog na sa isang tabi

"Brandy." Tawag ni Don Hernando

Kinulbit agad siya ni Rem. Nagulat si Brandy

"Ma'am hindi na po ko mangongopya!" Biglang sabi ni Brandy sabay tayo sa kinauupuan

"Anong kopya kopya ang sinasabi mo? Umayos ka nga." Bulong ni Rem kay Brandy

"Ayy nandito nga pala tayo."

"Brandy, tayo naman ang magpupulong." Sabi ni Don Hernando

"Go! Go! Go!" Ngumiti si Brandy

"Maari bang kami lang muna Rem?" Tanong muli ni Don Hernando

"Sige po." Nagtataka pa din si Rem sa pinagpupulungan ng dalawa.

Nang maiwan na sila...

"Hija dala mo ba ang sinasabi mo sa akin?"

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon