Chapter V: Ang Apat na Salita

1.5K 42 7
                                    

Dali dali si Lia na nagpunta kay Froilan upang malaman ang totoo.

"Froi, Froi! Froilan!" Ilang beses niyang pinindot ang buzzer sa pintuan ng condo ni Froilan

Nagbukas ang pintuan. Nakita  ang niya ang isang babaeng parang kadadamit lang.

"Hon, who is she?" Tanong ng babae na may halong tonong nagtataray

"Froilan, totoo ba ang balita tungkol kay Rem?" Dali daling tanong ni Lia kay Froilan. Hindi na nito pinansin ang babae.

"Uhm. Oo eh." Matipid na sagot ni Froilan

"I said, who is she?!!!" malakas na sigaw ng babae

"Get out!" Sabi ni Froilan sa babae

"What?"

"I said, get out of here and never come back again!" Masamaang tingin ni Froilan sa babae

"You're breaking up with me?"

"We've never been together from the very first."

"F*ck you!" Sigaw ng babae sabay labas ng pinto

"You already did!" Sabi ni Froilan habang nakangisi

Lia's POV

Ito na naman si Froilan, laging may kaaway na babae. Madalas kasi syang maglaro sa puso nila. Sana'y na ako makita ang ganitong sitwasyon niya. Hindi ko na siya pinagsabihan pa kagaya ng madalas kong ginagawa dahil mas gusto kong alamin ang nangyayari Rem.

"Froi, sino yung babaeng pinakasalan ni Rem?" Pinipigil ni Lia ang kanyang luha

"Hi-hindi ko din alam eh. Hindi ko pa alam ang pangalan."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Hindi ko na sinabi dahil alam kong masasaktan ka."

"Eh masasaktan din naman ako eh kahit kailan ko pa malaman." Hindi na napigil ni Lia ang kanyang luha. Nanlambot ang tuhod nya at napaupo siya sa sahig.

"I'm sorry. Hindi ko lang gustong makita ka na masaktan. Nabigla din ako sa kasal ni kuya. Hindi na ako pumunta kasi masama din ang loob ko dahil biglang iniwan ka din niya sa ere."

"Froi, hindi ko kaya. Hindi ko alam ang gagawin. Akala ko ako."

"Hindi din natin alam kung may naging babae nga din siya dito. Hindi pa din pala natin lubusang kilala si kuya."

"Hindi Froilan eh. Alam ko may maling nangyari."

"Hindi ba, ilang linggo na din siyang hindi nagpaparamdam sayo? Baka dahil nga hindi nya na din talaga tutuparin yung mga promises nya sayo Lia."

"Froilan naman!"

"Ano pa nga ba? Kelangan mo na harapin ang katotohanan ngayong alam mo na."

"Hindi! Hindi! Ayoko tanggapin! Ayoko!"

Nagtatakbo si Lia palabas.

Lia's POV

Hindi ko na kayang makipagusap kay Froilan. Hindi ko alam ang gagawin. Ang sama sama ng loob ko. Hindi ko akalain na gaganituhin ako ni Rem. Lahat ginawa ko para sa kanya tapos... tapos...

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon