Chapter XLVI: The Chosen Path

1K 45 48
                                    

Nang gabing iyon, halos di makatulog si Brandy kakaisip ng mga nalaman niya.

Brandy’s POV

Sa ilang taon na pinilit kong takbuhan at limutin ang nakaraan ko, lahat pala ng kinakatakutan ko ay kasinunglingan lang pala. Alam ko ang pinagdadaan ni Froilan noon dahil parehas lang kami ng sitwasyon. Nagkamali siya at di ako pinagkatiwalaan dati pero kung ako kaya ang nasa sitwasyon niya, siguro nga ganoon din ang gagawin ko. Pero pinilit pala niyang ayusin ang lahat, samantalang ako tinakbuhan ko lang. Kinalimutan ko kung sino ako dati, nagtago at nagbago.  Kung hinarap ko lang kaya ang lahat, hindi siguro kami nasa ganitong sitwasyon.

Kinaumagahan...

“Ang tahimik mo yata ngayon ah!” sabi ni Rem

Hindi naimik si Brandy dahil malalim ang kanyang iniisip.

“Huy! Mamaya malate pa tayo, kakatulala mo. Bilisan mo na ding kumain.” Dagdag pa ni Rem

“Ahh...sorry. Iniisip ko lang kasi yung... kumuha ng pera kay Lia. Si Dino pala. Nalimutan ko sabihin.”

“Oh? Pano mo nalaman?”

“Ahh... tinulungan ako ni Bart. Ibabalik nya na daw ang pera. Tsaka may isa pa nga pala akong nalaman.”

“Ano yon?”

“uhmmm...si... Froilan... si Froilan yung nag utos kay Dino na gumawa ng gulo.”

“Ganon na ba siya kadesperado para idamay at ipitin din si Lia sa gulong to?!”galit na galit na sabi ni Rem

“Buti na lang hindi siya nagtagumpay, diba?”

“Oo nga. Salamat sa tulong mo Brandy.”

“Wala naman talaga akong masyadong naitulong. Ikaw din naman ang nagtrabaho sa lahat.”

“Aba humble ka na ah.” Sabay pisil ng pisngi ni Brandy.

Ngumiti lang si Brandy sa kanya.

Sa campus...

“Ano?!!!” gulat na gulat na sabi ni Bart

“Oo Bart.”

“Hindi pala totoo ang mga eklavu non?! Si Nikki lang ang gumawa ng mga kemeruts sayo?”

“Oo. Hindi ko na din tuloy alam ang dapat kong isipin at maramdaman kay Froilan. Parang nakokonsenya ako na, naawa ako, na ewan.”

“Nasasayangan ka din ba sa relationship nyo?”

“Yung totoo, nung marinig ko yon. Hindi na siya maalis sa utak ko. Para bang may part sa puso ko na nagsasabing sana hinarap ko na lang siya noon.”

“Bumalik din ba ang pagmamahal mo sa kanya? Sino nang mas matimbang sayo ngayon, si Rem o si Froilan?”

Hindi agad nakaimik si Brandy sa tanong ni Bart.

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon