Chapter LIV: Ang Kanyang Kaparusahan

1K 43 42
                                    

Wala ngang nagawa si Bart kung hindi ang palihim na makipagkasundo kay Rem. Nagtataka naman ang kampo nila Froilan kung bakit agad nalalaman ni Rem ang mga kilos nila.

“Psychic ba yang si Rem? Lahat nung pwede nating gawin o puntahan para lang maitakas si Brandy, nalalaman niya agad. Nakapaligid lagi ang guards niya.” Sabi ni Nikki

“Oo nga. Ganon ba talaga siya kagaling para mahulaan ang gagawin natin? Kahit yung plano ninyong magpalit ng damit ni Brandy sa C.R. nalaman din. Ngayon, bago pa pumasok ng C.R. si Brandy, chinecheck muna nila kung may ibang tao. Naghire na rin si Rem ng babaeng bodyguard. Aba’y matinde!” sabi ni Jeremy

“Naiinis na talaga ko! Ano pa bang pwedeng gawin?!” iritadong sabi ni Froilan

Habang naririnig ni Bart ang mga hinaing nila, unti unting namumuo ang kanyang pawis at nagsimula siyang mamulta sa konsensya at kaba. Gustong gusto niya na talaga sabihin na siya ang dahilan kung bakit sila nauunahan ni Rem.

Sa opisina ni Rem...

“Ano Bart? May bago na naman ba silang plano?” sabi ni Rem habang nakatutok siya sa kanyang laptop at nagtatrabaho

“Wala pa din.”

“Suko na ba sila? Mabuti naman.”

“Ayoko na.”

“Sige. Sabihin ko kay Brandy, ayaw mo na siyang makita.”

“Sumosobra ka na!”

“Sumosobra na din kayo!” sabay tingin ng masama ni Rem kay Bart

“Nahihirapan na si Brandy.”

“Yun nga ang gusto ko.” Sabay ngiti ni Rem at balik sa kanyang pagtatrabaho

“Maghihiwalay din kayo kapag oras na mapatunayang hindi si Brandy ang babae sa senyales.”

Napatigil si Rem sa kanyang ginagawa.

“Yan ba ang sunod nilang plano? Pwes! Pasensyahan na lang. Di sila magtatagumpay. Nasabi ba sayo ni Brandy na nangyari din sa amin ang ikatatlong senyales?”

“Oo. Nasabi ni Brandy pero ang sabi ni Froilan, maaring gawa gawa lang ng ama ninyo ang ikatatlong senyales na nangyari sa inyo ni Brandy. Sabi pa niya, mukhang sinadya niya gawin iyon para tuluyan kang ilayo para totoong nakatadhana sayo. Sa alamat daw kasi ninyo, kapag nag isang dibdib na ang mga taong nakatadhana, magbibigay daw ng sobrang swerte sa lugar ninyo. Kapag pinaghiwalay naman, malaking delubyo ang mangyayari. Posibleng ginawa daw ng ama ninyo na ipakasal ka sa hindi nakatadhana sayo dahil kapag nagkaalaman ngang ikaw ang hinirang na hari, sayo ibibigay ang pwestong gusto niya para kay Froilan. Syempre dahil hindi naman talaga kayo ang nakatadhana para sa isa’t isa, babagsak ang lugar ninyo habang ikaw ang pinuno dahil sa kamalasang dadating sa inyo. Sa huli ikaw pa din ang masisisi ng lahat at iisiping si Froilan talaga ang totoong hari at hindi ikaw.”

“Punyetang senyales yan!” napataas ang boses ni Rem. Pinilit niyang magpakahinahon muli.

“Pero gumamit ka ng mga salitang ‘maari’ at ‘posible’, ibig sabihin, hindi pa din sigurado si Froilan. Sa bagay, di naman ako naniniwala don kung totoo man yung alamat o hindi. Salamat sa pagsasabi mo sakin ha. Alam ko na tuloy kung anong dapat kong unahin.” Dagdag pa ni Rem

“Pero di ka ba nagtataka, simula nang magpakasal kayo ni Brandy, puro na lang kamalasan ang nangyayari sa inyong dalawa. Baka talagang hindi kayo para sa isa’t isa!” nakangising sabi ni Bart

“Labas!” galit na sabi ni Rem sabay turo sa pinto

“Tandaan mo Rem, ang tadhana ay  tadhana. Hindi mo mababago yon kahit anong gawin mo.”

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon