Chapter XXXVIII: Their Past Part II

989 34 18
                                    

"Dahil preggy si teacher nyo, class meet your new adviser si Ma'am Amy Castillo."

Tuwang tuwa naman ang mga estudyante lalo na ang mga lalaki dahil maganda at maalindog ang kanilang guro.

Marami ang lumalapit na guro at estudyante kay Ma'am Castillo ngunit iba ang kanyang gusto. Sa lahat ng naging estudyante niya, kay Froilan napukaw ang atensyon nya.

"It's time to make unpolished gems be polished" sabi ni Ma'am Castillo sa kanyang sarili

Minsang ipinatawag nito si Froilan sa kanyang cubicle.

"Hello Mr. Acosta, I would like you to know that you're not really doing good in my subject. Are you still interested in keeping your place as one of the top students in your batch?" Sabi ni Ma'am Castillo

"I'm sorry Ma'am. Hindi po talaga ako magaling sa math. Medyo mahina po talaga ako makapick up."

"Why don't we have extra classes after school hours?"

"Talaga po ma'am?

"Since I'm free and I'm willing to help you as your adviser, yes!"

Masaya nga si Froilan dahil kahit papaano mababawasan ang paghihirap niya na magaral magisa. Ngunit di napapansin ni Froilan na unti unti na pala siyang iniimpluwensyahan ni Ma'am Castillo.

"You know Froi, if you really want to look cool, then you should be a man with few words. Being conceited makes you less respectable. Sabi nga nila 'work hard in silence and let your success be your noise'."wika ni Ma'am Castillo

"Eh ma'am mayayabang din naman po sila. Sumasabay lang ako."

"Then don't be like them. Ang lata pag nilagyan mo ng bato at umingay, ibig sabihin walang laman. Plus, I noticed that your doing everything they ask you to do. You really look like dork when you do that."

"Pag hindi ko po yun ginawa, baka pagkaisahan nila ako."

"Eh bakit ka nga ba nila ginagayan? I think you should look at yourself. Ang mga bullies mangbubully yan hanggat may nagpapaapi. You must build your self-confidence! Go change! Your hairstyle makes you look stupid. Jose Rizal lang? Get rid of this ugly eyeglasses. Tsaka change your clothing style para di ka naman mukhang probinsyano."

Habang sinusunod nga ni Froilan ang payo ng kanyang guro, napansin niyang nagiiba na din ang turing sa kanya ng kanyang mga kaeskwela. Mas dumadami na ang tao sa kanyang paligid at dumadami na din ang nagkakagusto sa kanya.

Dahil hindi naman mayaman at sikat si Brandy at sa pagbabago ng paligid kay Froilan mas lumaki pa ang insecurities niya.

"Froilan, kapag ba may nagkagusto sayong sikat at maganda tulad ni Nikki, ipagpapalit mo na ko?"tanong ni Brandy

"Hindi ah. Bakit mo naman naisip yan?"

"Eh kasi parang ang layo layo na ng mundo mo sa akin ngayon. Naiinis nga ko minsan pagnaririnig kong di daw tayo bagay."

Hinawakan ni Froilan ang pisngi ni Brandy at tiningnan niya ito sa mata.

"Hindi ko gagawin yun. Ikaw lang ang gusto ko at wala nang iba. Alam mo, I'm always thankful to God cause I found you in that hopeless place."

"Salamat." Napaluha si Brandy sa sinabi ni Froilan

"Pero masaya ako kasi sinabi mo sakin yan, ngayon naiisip ko ang nararamdaman mong parang naiiwan ka. Kung siguro ako din ang nasa posisyon mo, ganyan din mararamdaman ko kaya kung gusto mo sabay tayong magbago."

"Paano?"

Dinala ni Froilan si Brandy sa mga lugar kung saan din siya dinala ni Ma'am Castillo na nagpabago ng kanyang ayos at pananamit.

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon