Chapter XVIII: In Sickness and In Health

1.2K 34 20
                                    

"Achoo! Achoo! Ang kati ng ilong kooo!" Sabi ni Brandy

"Baka magkakasipon ka. Uminom ka muna ng gamot. Naambunan ka din kasi kanina. Dapat sumilong ka na lang."

"Okay lang. Masaya naman! Ang lakas ng ulan ngayon. May bagyo ba?"

"Sabi sa radyo kanina, meron daw."

"Ahhh okay."

Nang lumalim pa ang gabi, tuluyan na ngang nilagnat si Brandy.

"Ang taas ng lagnat mo! Tsk!" Pagaalala ni Rem

Agad kumuha si Rem ng tuwalya at palangganang may tubig. Pinunas punasan niya ang mukha at braso ni Brandy.

"Kaunti lang kinain mo kanina. Gusto mo ba ng lugaw, pagluluto kita."

Natuwa si Brandy sa alok ni Rem. Kahit lugaw lang yon, naisip niya na unang beses siyang ipagluluto ni Rem na para talaga sa kanya.

"Sige! Sarapan mo ha!"

"Opo! Mahal na reyna!" Natatawang sabi ni Rem

Nang maipagluto niya si Brandy...

"Ayan kain na."

"Mainit pa."

"Hihipan ko." Hinipan nga ni Rem ang lugaw para lumamig. "Ayan, okay na Brandy. Kain na."

"Medyo masakit ang braso ko eh."

"Sige na nga. Susubuan na kita."

Sinubuan nga ni Rem si Brandy.

"Hmmm...sarap!" Sabi ni Brandy kahit wala siyang panlasa

Medyo naubos na ni Brandy ang lugaw sa mangkok.

"Ano ba yan? Ang kalat kumain. Para ka namang baby." Niloloko ni Rem si Brandy sabay punas sa bibig ni Brandy

"Baby naman talaga ako. Baby face!"

"Sige na lang! Haha! Wala akong kapatid na babae kaya mula ngayon, parang sister na kita."

"Shete! Sisterzoned" bulong ni Brandy

"Ha anong sabi mo?!"

"Ayokong magkaroon ng kuyang tulad mo. Boring!" Medyo inis na sabi ni Brandy

"Grabe to! Di wag! Nakikipagbati na nga sayo. Ayoko na kasi na nagaaway tayo."

"Ikaw lang naman tong swanget! Asungot!"

"Pagbibigyan kita ngayon kasi may sakit ka."

Natutuwa si Brandy kay Rem dahil feeling niya iniispoil siya nito.

Maya maya nakatulog na din ang dalawa. Nagising na lang si Rem dahil sa ungol ni Brandy.

"I'm sorry! Gusto ko lang naman...uhmmm...mmmm... tama na! Tama hhnn na! Sorrr...ryy... tulong! Tuhhlongg... hmmn..." nagdidiliryo na pala si Brandy

Pinilit gisingin ni Rem si Brandy

"Brandy! Huuuyyy! Gising! Brandy!" Tinapik niya ang pisngi nito

"Please...hhm..tama na... wag...nyo na...ako saktan...aalis ako... di na ko...magpa...pakita... tama na...hmm" tumulo din ang luha ni Brandy

"Brandy!" Niyugyog ng malakas ni Rem siya

Nagising bigla si Brandy. Gulat na gulat ang mukha nito na parang takot. Kitang kita din ang namumuo niyang pawis sa mukha.

"Ano ba? Okay ka lang."pagaalalang tanong ni Rem

"O-okay lang." Medyo nakahinga ng maluwag si Brandy

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon