Chapter XLI: True Love's Kiss

1.1K 45 29
                                    

"May dapat pa ba akong malaman?" Tanong ni Rem

"Ahmm... Halik? kasi napa... napa Oo ako kay Bart na pwede mo sya ikiss, pero sa cheeks lang. Sinamahan niya kasi ako dito nung wala ka."

"Dapat sinabi mo muna sakin bago ka nakipagdeal kay Bart! Pero saka na nga yan! Kamusta na si mommy mo? Puntahan nga natin ngayon!"

Agad ngang pinuntahan ng dalawa ang mga magulang ni Brandy sa hospital.

"Pasensya na po. Humingi po ako ng tawad dahil wala po ako dito sa mga oras na nangyari yan sa inyo." malungkot na sabi ni Rem

"Okay lang hijo. Alam naman naming busy ka din naman sa probinsya. Matrabaho talaga ang iyong responsibilidad bilang susunod na puno ng pamilya Acosta." Sabi ng daddy ni Brandy

"Ayos lang din hijo. Buti na lang din at nandyan ang kaibigan ni Brandy na kapatid mo palang si Froilan. Siya ang tumulong magbayad ng gastusin dito sa hospital." Sabi naman ng mommy ni Brandy

"Pakisabi na din eh salamat sa paghahanap niya ng maayos na pansamantala naming tirahan. Nakikihiya naman sa kanya. Sisiguraduhin naming makabayad sa kanya pag kumita na kami ng malaki."dagdag pa ng daddy ni Brandy

"Sige po sasabihin ko po."

Nang makadalaw nga sina Brandy at Rem, diretso uwi na din sila.

"Pakiramdam ko si ama na naman ang may kagagawan sa paghihirap ng mga magulang mo." wika ni Rem

"Paano mo nasabi?"

"Hindi ba't ang alam natin tutulungan sila ni ama na mabawi ang kompanya ninyo, magagawa at magagawa niya yon kung gugustuhin niya dahil sa lakas ng impluwensya niya kaso mukhang ginipit pa niya kayo."

"Bakit niya naman gagawin yon?!"

"Kaya nga sabi ko sayo, ayokong makikialam ka sa problema ko dahil ayokong madamay ka. Hindi ko akalaing pati magulang mo idadamay nya! Ang sama nya!" Galit na galit na sabi ni Rem

"Nakakalungkot naman. Bakit sobrang laki ng galit niya sayo na lahat idadamay niya para lang maapektuhan ka?"

"Hindi ko pa masabi talaga kung anong pinakapinaghuhugutan niya ng galit, ang alam ko lang gusto nga niya ipasa kay Froilan ang posisyon niya."

"Sana matapos na ang gulo ng family mo."

Unang araw na muli ng pasukan, habang naglalakad si Brandy at Bart...

"Teh! Muntik na kong mabuking ni Rem dun sa kiss na nangyari samin ni Froilan."

"Talaga?! Paano?"

"Eh basta, akala ko same lang yung tinutukoy namin tapos nadulas ako dun sa word na 'halik'."

"Eh paano mo pinalusutan?"

"Sabi ko nagrequest ka na ikikiss ka niya dahil sa pagsama sama mo sakin nung wala siya. Mukhang napilitan naman."

"Huwaw teh! Gusto ko yang ginawa mo! Sa buong life kong kasama kita yan ang pinakamagandang pagsisinungaling mo! Di bale pagtatakpan kita with all my life."

"Tsk! Nakakailan ka na ha! Cheeks lang yun!"

"Okay lang bakla! Never na aketch mahihilamos ng pezlak ko pag frinench kiss nya ko sa cheeks!"

"Hoy huwag kang gagawa ng kung ano! Kilala kita! Cheeks lang!"

"Ako pa madam!" Sabay kindat ni Bart kay Brandy

Inirapan lang ni Brandy si Bart.

Naging busy na ang mga estudyante sa unang linggo ng pasukan lalo na si Rem dahil opisyal nang maguumpisa ang kanyang termino bilang chairman ng student council. Naging busy din ang mga organizations dahik ito ang pinakamagandang time para magrecuit ng mga magiging bagong members since maraming freshmen students. Si Brandy naman ay nagpunta sa gym upang magpamember sa women's basketball team gaya ng ipinangako niya last sem.

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon