Chapter XIII: Ang Nakaraan ni Rem at Lia

1.1K 31 12
                                    

"Brandy, anong sinabi mo kay Malena?" Tanong ni Rem kay Brandy

"Anong sinabi?" Nagtatakang sabi ni Brandy

"Eh kasi...dati medyo nagkaroon ng kaunting tampuhan kaya hindi na kami masyadong naguusap."

"Ahhh...ewan. Di ko na matandaan. Baka nasarapan dun sa binigay kong ulam kaya nakipagbati. Kung ganon, dapat lang talaga na mag thank you ka saken."

"Sige na nga. Ano bang gusto mo?"

"Pagkakataon ko na to! Haha! Uhmmm... ge ikaw na ngayon ang maglilinis ng bahay. Ako na ngayon ang masusunod."

"Di bale na lang. Di na ako magpapasalamat. Ang importante ayos na kami!"

"Aba grabe to! Ang daya mo! Sama mo talaga saken!"

"Ilalabas na lang kita."

"Talaga? San? San?"

"Basta. Sa linggo na lang pagkatapos nating magsimba!"

"Yehey! Sige! Sige! Ang saya! Magdadate tayo!"

"Anong date?! Asa ka pa!"

"Swanget!"

Rem's POV

Hindi ko talaga maisip kung paano nagagawa ni Brandy na maayos ang mga bagay bagay. Yung una kay Don Hernando, ngayon kay Malena. Nakakapagtaka talaga. Kapag kakausapin ko naman tong babaeng to parang wala naman akong mapulot. Puro kasamaan at kalokohan lang lagi ang ginagawa at sinasabi nya. Di ko na tuloy alam kung ako ba ang may problema o sya? Ewan! Baka nagkataon lang lahat.

Dumadalaw na nga si Malena kay na Rem mula noong araw na magkausap muli sila ni Rem. Nakikipagkwentuhan siya sa kanyang kaibigan at kay Brandy.

"Malena, kaloka yang si Rem. Akala ko buhay prinsesa na ang beauty ko, pero ginagawa niyang longkatus ako! Yung mudrabels nya naman lagi akong sinasabihan ng magpakagirlaloo daw. Eh di pa nga ba't girl na girl ako. Minsan nga gusto ko na ipakita sa kanya ang kabibe ko sa kanya nang matigil sya!"

"Hindi kita maintindihan Brandy, pero natatawa ako sa iyong pagsasalita. Sige lang magkwento ka pa."

"Hoy Malena, anong akala mo sa akin clown?" Iritadong sabi ni Brandy

"Clown ka naman talaga. Laging kapal mo mag make-up. Nasa bahay lang nagmamake up pa. Tutulog nakamake up din. Subukan mo kayang maging simple!" Singit ni Rem sa usapan nila

"Bakit ba? Inggit ka ba bakla?! Kung gusto mo ako pa magaayos sayo! Tsaka sayang ang buhay para maging simple. Gusto ko laging bongga! Best! Tarush! Winner!"

"Ewan ko sayo. Nga pala Malena, huwag kang makikinig sa mga pinagsasabi niya tsaka huwag mo syang tutularan. Baka mahawa ka ng kasamaan nyan. Wala nang inisip nyan kung pano mang bwisit ng kapwa." Sabi ni Rem

"Alam mo may dalawang klase ng tao sa mundo. Yung isa nakakabwisit at yung isa mas nakakabwisit. Ang maunang mapuno ng stress at inis, talo!"

"Kita mo na Malena, masama talaga ang ugali nya."

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon