Chapter XL: Ang Pasensyosang si Brandy at Ang Mapangasar na si Rem

1K 40 26
                                    

Umaga na at habang nakahiga pa rin sila sa kama...

Nakangiting pinagmamasdan ni Rem ang nakatalikod sa kanyang si Brandy. Hinawakan niya ang buhok nito, inilapit sa kanyang ilong at inamoy.

"Grabe, pati tong amoy shampoong buhok ni Brandy parang ang tagal kong di naamoy." Sabi ni Rem sa sarili

Lumapit pa ng kaunti si Rem kay Brandy.

"Brandy, gising ka na?" Bulong ni Rem sa kanya

Hindi naimik si Brandy.

"Parang gusto na kita gisingin kaso mahimbig pa tulog mo."

Mas nilapitan pa ulit ni Rem si Brandy. Sinisiksik nya na ito sa isang tabi. Habang tulog, babalikwas sana si Brandy paharap kay Rem ngunit dahil naramdaman ng katawan niyang wala siyang pwesto para ikutan, kaya sa kabila siya pumaling.

"Brandy!" medyo malakas na sabi ni Rem ng makita niyang pahulog sa kama ang asawa. Hinagip niya ito ngunit buhok lang ang kanyang nahigit.

"ARAYYY!" Nagising si Brandy sa pagkakahulog niya at sa sabunot ni Rem sa kanya

Binatawan ni Rem ang kanyang buhok "Sorry!"

Kaya nung umaga kahit sa paghahanda niya ng almusal, iritado pa rin siya dahil hindi maganda ang kanyang gising.

"Smile lang Brandy! Sabi nga dun sa mga libro, para maging good, maging positive thinker ka, mapagpasensya at relax. Masamang gising lang yan." Sabi ni Brandy sa sarili

Tahimik na lumapit na naman si Rem kay Brandy, ginulat niya ang asawa sa biglang paghawak sa dalawang braso nito at sabay sabing "Boom!"

Natabig ni Brandy itlog na gagawin niya sanang omelette. Nagpipigil si Brandy sa inis pero nilingon niya si Rem at ngumiti lang siya.

"Ikaw talaga Rem ang kulit mo ngayon."

"Sorry. Sige na nga. Sa salas na lang ako."

"Di mo ba ko tutulungan? Kasi dahil sayo natabig ko to." Pasweet na boses ni Brandy

"Hindi. Kaya mo na yan!"

"Bwise...hehe... sige. Relax ka lang muna dyan."

Matapos nilang kumain ng umagahan...

Nanuod muna ng mga palabas sa tv ang magasawa. Sinisiksik na naman ni Rem si Brandy sa gilid.

"Ano bang problema mo?" Tanong ni Brandy

"Problema? Wala naman."

"Ang luwag kaya ng sofa."

"Ginagawa mo din naman to sakin dati ah."

"Inaasar mo ko no?"

"Hindi ah... hindi pa ba halata?" Sabay tawa ni Rem

"Hindi mo ako maasar kasi good girl na ako at mahaba na din ang pasensya ko."

Napaatras si Rem "Wow! May sakit ka ba?"

"Sabi mo naniniwala kang magbabago ako!"

"Oo. Pero mahaba ang pasensya? Di pa siguro muna ngayon yun. Tanggap ko naman."

"Talaga lang ha? Hinahamon kita. Hindi mo ako mapipikon ngayong araw na to kahit ano pang gawin mo?"

"Pag ako nanalo, may parusa ka."

"Sige. Bibigyan din kita ng parusa kapag ako nanalo."

Inasar nga ng inasar ni Rem si Brandy,tuwing may makikita siyang pagkakataon. Kahit pikon na talaga si Brandy, pinipilit nya pa ding magpakahinahon.

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon