Chapter XII: Si Malena at Ang kanyang Ina

1.3K 36 6
                                    


"Huwag kang lalampas sa mga unan nato." Sabi ni Rem sabay turo sa mga unan na nasa gitna nila

"As if naman! Baka ikaw nga gapangin mo ko!" Wika naman ni Brandy

"Asa ka pa! Buti nga pinatulog kita sa kama eh!"

"Isusumbong kita kay lolo!"

"Sumbungera!"

Tumalikod na si Brandy sa kanya "Good night!"

"Ge!"

Maya maya...

"May naramdaman akong kamay sa aking likuran. Hindi muna ako lumingon. Unti unting lumalapat ang kamay na ito at papalapit na sa aking tyan. Naramdaman ko na lang na pinipilit niyang itaas ang aking damit. Lumapit pa siya sa akin at bumulong...

"Brandy" isang napakasensual na tawag ni Rem sa akin.

Hinalikan niya ang likod ng aking tenga. Dahan dahan siyang bumababa papunta sa aking leeg. Maya maya'y tinanggal na niya ang aking pang itaas.

"Brandy, humarap ka sa akin." Muli niyang tawag sa aking pangalan.

Humarap nga ako at sinabi kong "Rem, huwag! Huwag Rem! Hindi pa ako handa!"

Ngunit sinungaban niya agad ang aking labi. Isang mainit na halik ang ibinigay niya sa akin. Nanghihina ako sa ginagawa niya. Naramadaman ko ang kanyang kamay na bumababa sa aking hita.

Pinigilan ko iyon.

"Rem, bakit ka ba nangkakaganyan?"

"Ganito talaga ako Brandy pag gabi. Hindi ka makakatakas sa akin." Sabay dakma niya sa aking..."

"Brandy, tumigil ka nga!" Sabay harap ni Rem kay Brandy

"Ano ka ba nagbabasa pa ko. Iniistorbo mo ko." Sabi ni Brandy

"Ang ingay ingay mo gusto ko na matulog"

"Eh di hihinaan ko na lang ang pagbabasa ko. Di kasi ako makatulog nagpapaantok lang ako."

"Hindi rin ako makakatulog!" Inis na inis na sabi ni Rem

"Bakit naman?!"

"Malamang! Mga ganyang kwento ang binabasa mo eh! Lalake ako!" Namumula na si Rem

"Tapos?"

"Haaayy! Ewan ko sayo! Tsaka Rem at Brandy ba talaga ang pangalan ng mga bida dyan?!"

"Hindi, ganon talaga ako pag nagbabasa ng stories. Nilalagay ko ang sarili ko sa kwento para feel na feel ang bida! Diba bongga!"

"Bakit pati ako dinamay mo?!"

"Ikaw ang una kong nakita ngayon eh!"

"Huwag na yan ang basahin mo iba na lang!" Galit na sabi ni Rem

"Okay sige. Ito na lang. Pang ka anak ni Brandy. Binuhat agad ni Rem ang anak nila at dinala sa salas. Silang mag ama lang ang nandoon. Bigla nagibang anyo ang sanggol at dinukot ang mata ni Rem. Sigaw ng sigaw si Rem. Walang nakakarinig sa kanya. Tiyanak pala ang kanilang..."

Biglang hinablot ni Rem ang binabasa ni Brandy.

"Asar! Yung totoo ayaw mo magpatulog?!"

"Di ka ba nakakatulog sa horror stories?"

"Sinong taong makakatulog sa horror stories?! Sino?!" Inis na inis si Rem

"Ako. Patapusin mo na ang kwentong binabasa ko. Mahinang mahina lang ako magbabasa." Mahinang sabi ni Brandy na may halong pananakot na tono

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon